POEM: Numero

55 9 0
                                    

Una, Pangalawa, Pangatlo
Isalin mo man sa salitang ingles ang mga salita dito, hindi nito mababago ang katotohanang nahulog nako sa’yo
Pinaramdam mo ang halaga ko
Pinakita mo sakin ang ganda ng mundo
Pero alam ko,
Alam kong lahat ng yun, di totoo.

Apat, Lima, Anim
Naghintay ako nang dilim
Nagbakasakaling muli mong mapindot ang mga letra sayong teklada at ako’y tanungin ng "uy kamusta?"
Pero wala.
Gaya ng madalas mangyari, umasa na naman ako sa wala.

Pito, Walo, Siyam
Tatlumpu’t walong oras kong ninamnam
Ang sayang iyong pinaramdam.
Sa napaka simpleng bagay na ginawa mo,
Nagulo ang mundo ko.

Sampu
Tapos na akong magbilang
Sana matapos na din akong magmahal at masaktan.

Ngunit naalala kong hindi sampu ang dulo ng numero,
Katulad ng hindi lang sayo umiikot at iikot ang mundo ko,
Kaya magbibilang ulit ako

Ngunit hindi na pataas,
Subukan naman nating magbilang paatras,
Simulan natin sa;

Sampu
Ninais kong tumigil nang magmahal at matigil ang sakit
Pero bakit sa kabila ng pait,
Pinipilit ko paring lumapit?

Siyam, Walo, Pito
Gusto kong lumapit sayo,
Gusto kong maging akin ka at mapasayo ang puso ko pero delikado kasi

Lima, Anim, Apat
Hindi dapat.
Gusto ko sanang ipagsigawang mahal kita
Ngunit may naunang iba
May naunang mas mahal ka

Tatlo, dalawa, isa
Tatapusin ko na,
Tatapusin ko na bago pa magsimula ang ating storya.

The World of LettuceWhere stories live. Discover now