TNQ 34: Maze of Death (The Fight)

10.2K 268 26
                                    

Rave's POV:

Nagising ako sa tama ng sikat ng araw sa aking mukha. Itinaas ko ang kanang kamay ko upang takpan ang aking mata bago ito dahan dahang ibinukas..

Aarrgghh.. Headache!

Napakunot noo pa ako ng mapansin na tila pamilyar ang silid na kinaroroonan ko yet di ito ang bahay namin ni Lian.

And after a few seconds, realization hit me.

Ow shit! Nalasing pala ako kagabi sa bar.. But how  come na andito ako sa condo ko?

Yes, it my condo. Napabaling ako nang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok si Nick. Di naman ito tuluyang lumapit bagkus ay sumandal lang sa may pintuan at nakatitig sa akin.

"What?" tanong ko at bumangon.

Iumiling naman ito pero walang sinabi. Kakaiba ang kilos ni Nick. Tila may gusto itong itanong pero di maisatinig.

"Magbihis kana at baka hinanap na tayo sa bahay.. May kailangan kapang asikasuhin diba?.." sambit ni Nick at tumalikod na.

Weird! Ano kayang nangyari sa taong iyon.

Tumayo na ako at kinuha ang tuwalya sa gilid ng kama saka tinungo ang banyo at naligo.

Matapos kong linisin ang katawan ay naghalungkat ako ng damit sa cabinet. Buti nalang at iniwan ko ang ibang gamit ko dito sa condo.

Napasulyap ako sa pantalon na suot ko kagabi. Basta nalang kasi itong nakalagay sa isang tabi. I dont know kung ako pa ba  ang nagbihis sa sarili. I dont remember anything.

Matapos kong magpalit ng damit ay kinapa ko ang bulsa ng pantalon na suot ko kagabi to get my keys. But instead ay oba ang nakuha ko. Napakunot noo tuloy ako nang makita ang isang key chain..

Saglit pa ay napalunok ako at tumahip ang kaba sa aking dibdib.

Aileen.. This keychain is the one I gave to her.. Naka engrave pa dito ang pangalan naming dalawa.. Kung ganun..?? Siya ang babae sa bar kagabi bago ako nawalan ng malay?

Napahigpit ang pagkuyom ko sa  hawak na keychain.

Kung ganun, she finally back.. Damn!

***

Nick's POV:

Di ko mapagdesisyunan kung sasabihin ko ba kay Rave ang nangyari kagabi after he passed out.

Alam kong mali ang ginawa ko, but Ghad! Im not totally over with Aileen. At mas lalo ko itong napatunayan kagabi nang halikan ko siya.

I know she might get angry with what ive done.. Pero wala siyang binanggit.. She just walked away after we kissed..

Kailangan ko siyang makausap.. I need to figure out what I really feel for her..

***

Lion's POV:

Ikalawang araw na ni Kate sa ospital at medyo nakarecover na din siya. Nina and Nian visited.

Tuwang tuwa pa nga ito nang makita si Baby Kat-kat..

Yeah, we named our little angel, Kathleen Vena..

"Mahal oh! Kumain ka nito at maya maya lang ay dadalhin na uli si Baby Alexa dito.." nakangiting sabi ko sabay subo kay Kate ng tinalupan kong apple.

Napalabi naman siya. She dislike the name dahil panlalaki daw. Kaya dinagdagan niya ng Keith..

Napabaling kami pareho ng tumunog ang cp ko na nakapatong sa katabing mesita.

ILYMG Book 3: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon