TNQ 11: Scheme

14K 318 13
                                    

Lian's POV:

Pagpasok ng kotse ko sa bakuran ng aming bahay ay kaagad na natanaw ko ang kambal na masayang naglalaro kasama si Nian.

Lumawak ang ngiti ko ng makita ang pamangkin.

They're here pala.

Pagkababa ko ng kotse ay kaagad na tinungo ko ang pwesto nila.

"Baby!" masayang tawag ko sa kanila.

"Mommy!" "Tita Ninang!" magkasabay na sigaw ng tatlo at nag-unahan pa sa paglapit sa akin.

Isa isa ko silang hinalikan..

"Sino kasama mo Nian?" tanong ko.

"Si mommy po.. Nasa kusina magbebake daw siya ng cake.." bibong sagot ni Nian.

"Ahh okay... Puntahan ko lang siya ha.. Tuloy nyo munaang laro.." paalam ko.

"Ma-mommy.. E-ikaw ba..balik h-ha?" pautal na sambit ni Xyra..

Medyo di pa kasi deretso magsalita si Xyra di tulad ni Rein..

"Yes baby.. I just help Tita Nina bake cake for you.. Okay?" sabi ko.

Tumango naman siya at ngumiti.

"Lets go Xy.. Bye mommy.." aya ni Rein.

Pinagmasdan ko muna ang kambal na muling naglalaro.

Matabil si Xyra kahit na nabubulol pa magsalita.

Tahimik naman si Rein..

Pero parehas silang matalas mag-isip..

They can use my gadgets at age of two..

Kaya na nilang magtrace ng locations..

Mahilig kasi sila pareho sa pagbabasa..

Now they're three years old..

Mukhang kailangan ko na silang sanayin sa martial arts at iba pa..

Especially na mapanganib na naman ang buhay namin..

Lalo pa at magiging Uno na ako.

Im sure of it.

Kahit na anong tanggi pa ang gawin ko ay siguradong ako pa din ang mananalo..

At ayokong isugal ang buhay ng pamilya ko.

Si Rave..

Alam kong inaayos nila ang underground arena.

Babalik at babalik kami sa dati naming buhay..

Hindi namin matatakasan iyon kaya mas mabuti na ang handa.

Humugot ako ng buntong hininga bago pumihit at naglakad pabalik sa main door.

Nagbigay galang naman ang katulong na nakasalubong ko.

Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Rave na may kausap sa sala.

Nakatalikod ito sa akin kaya di ko maaninsg ang itsura.

Bigla akong kinabahan..

Mukhang nagulat naman si Rave sa pagdating ko kaya napatayo ito agad.

"Angel ko, andyan kana pala.." utas nito.

Tinaasan ko siya ng kilay at mabilis na lumapit sa kanila.

Nakaupo pa din ang kanyang bisita.

Nasa likod na niya ako nang dahan dahan itong kumilos upang bumaling sa akin.

Nailapat ko ang aking labi sa pagkakita kung sino ang kausap ni Rave.

"Hi! Im Dominique.. Ikaw pala si Lian.. Im so happy to meet you.." nakangiting sabi niya.

ILYMG Book 3: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon