TNQ 33: The Game Of Death

9.6K 241 15
                                    

Lion's POV:

Ilamg oras matapos mailipat mi Kate sa kinuha kong private room ay dinala na din doon ang baby namin.

Labis ang tuwa namin ng masilayan ang anak sa unang pagkakataon.

Kaagad na kinarga ko ang anak ko at dinala sa tabi ni Kate.

"Sarangola, ang ganda ng baby natin.. " nakangisi kong sambit.

Kumakaway pa ang maliliit na kamay nito kahit na nakapikit pa din ang baby. Hinawakan ko naman ito at dinala sa labi ko upang gawaran ng halik.

I'm a father now.. Ang sarap pala sa pakiramdam..

"Mahal, payakap din ako kay baby.." mahinang sambit ni Kate.

Inilagay ko sa mga braso niya ang anak namin upang makarga din siya ni Kate. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mata ng mayakap ang aming baby.

"Sulit pala ang lahat ng sakit kanina ngayong hawak na kita.. My beautiful angel.. Manang mana ka sa akin.." nakangiting sabi ni Kate at nilalaro ang kamay ng baby namin.

I'm so happy upon seeing them both..

Saglit pa ay kinuha ng muli ng nurse ang baby upang ibalik sa nursery. Kinabukasan pa raw kasi pwedeng ilabas ito..

Pinatulog ko na muna si Kate upang makabawi ng lakas. Naupo naman ako sa sofa at binuksan ang tv.

Sayang di ko dala ang laptop ko..

Nag scan ako ng channel nang maalala ko ang mga kasama kanina.

Teka! Nasaan na nga pala sina Lian at Rave? Di pa yata nakabalik simula ng umalis?

Kinuha ko ang cp sa may bedside table at idinayal ang numero ni Lian. Pero answering machine lang ang sumagot. Maging si Rave ay di rin sumasagot sa tawag ko.

Dahil sa kaiisip kina Lian at Rave ay bahagya akong nagulat at napalingon ako nang bumukas ang pintuan ng kwarto.

Bumungad dito ang excited na itsura ni Jaya na mabilis na pumasok.

Akmang titili pa ito pero kaagad kong sinenyasan na huwag maingay.

Napanguso naman ito at pasalampak na naupo sa sofa sa tabi ko.

"How is she? Graveh takbo agad ako dito nang mabalitaan kong nanganak si Kate.. Nasa ospital din ako kanina at dinalaw ko sina Monique at Brad!" tuloy tuloy na sabi nito.

Napakunot noo ako sa narinig. Kaya ba nawala sina Lian ay pinuntahan nito sina Mon?

"Bakit anong nangyari?" pasimpleng tanong ko.

"Ayun. Inambush daw habang inihatid sina Reen at ang Umma niya patungong airport.." sagot ni Jaya.

Bumaling ito at nakangisi pa sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Why grinning?" tanong ko.

"Wala! Di lang ako makapaniwalang daddy kana! Hahaha! You nerd freak!" sambit nito at hinampas pa ako sa braso.

"Wanna kick your ass out of here?" angas ko sa kanya.

Napalabi naman siya at umayos ng upo.

"Biro lang.. Pero seryoso, di talaga ako makapaniwalang all of sudden eh may kanya kanya ng pamilya ang mga kaibigan ko. And me, still alone." sambit pa nito.

Sinulyapan ko siya. May naaninag akong lungkot sa kanyang mga mata.. Kung sabagay, sa grupo nila, Jaya is the only one left single..

Literally speaking. Wala kasi itong serious relationship with any guy. Si Monique kasi may Brad na at ikakasal na nga yata.

ILYMG Book 3: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon