TNQ 32: The Final Battle

9.9K 245 21
                                    

Rave's POV:

Mabilis at derederetso akong lumakad papasok sa loob ng mafia mansion..

Wala akong pakialam kahit pa marami ang nagtangkang humarang sa akin..

I need to talk to them.. Bakit nila hinayaang mag-isang sumuong si Lian sa laban.. Ni wala man lang itong armas na dala upang magamit.. Ni hindi man lang naplano ang dapat gawin.

"Stop right there! Bawal ka dito gangster!" mariing sabi ng isang royal guard at humarang sa dinadaanan ko.

Binigyan ko lamg siya ng isang matalim na sulyap at tuloy tuloy pa din sa paglakad.

Akmang hahawakan niya ako pero mabilis kong naiwasan ang kamay niya.

Dahil sa ginawa ko ay napukaw ang atensyon ng iba at nakisali na din upang pigilan ako.

Tinabig ko ang kamay ng isa at saka itinulak siya  dahilan upang mangatumba ang papalapit sa amin. Nagsisuguran din ang ibang mga guards kaya nagkaroon ng paglalaban sa pagitan namin.

Hindi niyo ako maaaring pigilan.. Its my angel safety..

Nahawakan ko ang braso ng lalaki at inikot ko ito palikod saka siya ginawang pananggalang sa mga nais umataki sa akin.

Bawat nagtangkang lumapit ay hinarang ko ng aking sipa.

Padami ng padami ang sumusugod sa akin pero di ko na ito alintana. Kailangan ko siyang makausap..

Natigil lang sila ng makarinig ng tunog ng tungkod at mabibigat na hakbang..

"Anong kaguluhan ito, San Diego?" tanong ni Phantom na bumungad sa mga nahawing tauhan.

"It's about Lian.. Nasaan ang asawa ko? Bakit niyo siya hinayaang mag-isa sa battle?" sunod sunod na tanong ko. Tila humulagpos ang pangamba sa dibdib ko..

Kahit pa sabihing magaling si Lian sa pakikipaglaban, she's still my precious Angel.. At nangangamba ako para sa kaligtasan niya.

Bumuntong hininga muna si Phantomat itinaas ang kaliwang kamay. Tila bula namang nag-alisan ang mga tauhan niya sa isang kumpas pa lamang.

"Lets talk about it inside.. Nasa loob na sina Darius at Eagle." saad niya at tumalikod na.

Napasunod naman ako ng hakbang sa kanya at pumasok kami sa isang silid.

Opisina pala ni Eagle ang pinasok namin.

He's sitting at the back of his table facing the glass wall and looking outside the mansion.

"Maupo kayo.. Alam kong pupunta ka rito Rave.." sambit nito na hindi man lang humarap sa amin.

Umupo naman si Phantom sa silyang nasa harap. Nilingon ko si Darius na prenteng nakaupo sa sofa.

I thought his out from being a mafia?

"Lian is already in that island.. Location? Its still unknow.. Pinagsikapan pa namin ni Lion na hanapin ang totoong isla na kinaroroonan nila. But we already received the data. Sisimulan nila ang battle mamayang gabi.." pagbabalita ni Eagle.

Nahampas ko ang mesa sa magkahalong gulat at galit na nararamdaman sa balita na iyon.

"What!? Sisimulan na nila ang battle? Ano pang ginagawa natin dito? Lian is in danger out there! We must do something!" sigaw ko.

Isa isa ko silang tiningnan pero magkapareho lang ang emosyong nakasaad sa kanilang mukha. Blangko..

"Calm down Rave, wala namang maitutulong kung maghurumintado ka dito.. This is Eagle and Phantoms empire.. Nasa sakop ni Supremo si Lian.." sambit ni Darius.

ILYMG Book 3: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon