TNQ 12: Face off

13.9K 336 18
                                    

Rave's POV:

Napagkasunduan ng grupo ng BPG na mag ensayo at matagal tagal na rin mula ng magkaroon ng gang fight.

Natuwa naman sina Louie sa napagplanuhan.

"Lets get going Hubby... May meeting pa ako mamayang gabi.." sambit ni Lian habang papalabas ng dressing room.

Saglit akong natigilan nang makita ang suot niya.

She's wearing all black outfit na humulma sa hubog ng kanyang katawan.

Lian always knows how to use clothes in every occasions.

Napangisi ako at may ideyang biglang pumasok sa utak ko.

Pero tinaasan lang niya ako ng kilay at pinitik ang noo.

"Not now..." bulong niya at tinalikuran na ako.

Nauna na siyang lumabas ng aming kwarto.

Nahipo ko ang nasaktang noo at napailing na sumunod sa kanya papalabas ng silid.

Nakita ko siyang nagbilin kina manang para sa gagawin ng kambal.

Nauna na ako sa garahe at tinanggal ang takip ng bigbike ko.

Balak kong gamitin ito papunta sa arena habang nakaangkas si Lian sa likod ko.

Namimiss ko ang magmotor.

"Unahan tayo?" biglang sulpot ni Lian mula sa likuran ko.

"W-what? Iniisip ko na aangkas ka sa akin.." reklamo ko nang makitang tinanggal niya rin ang takip ng kanyang bigbike.

Ngumisi lang si Lian at sumakay na.

Isinuot niya ang helmet at pinaandar na ang kanyang motor.

Aissshhhh... Kahit kelan talaga di ko mahulaan ang iniisip ng babaeng ito.

Kahit pa sabihing asawa ko na siya ay may mga oras na nangangapa pa din ako sa mga plano niya.

She's perfect wife..

Wala akong maipintas sa kanya.

Mapagmahal at maalagang ina at asawa sa amin ng kambal.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago isinuot ang helmet at sumakay na rin sa aking motor.

Sabay kaming lumabas.

Magkasunod lang kami sa daan at katamtaman lang ang bilis ng takbo namin.

"Lets race hubby!" biglang sigaw niya at pinaharurot ang minamanehong motor.

Nasa highway na kami nun kaya may karamihan na din ang sasakyang nagbabyahe.

Kaagad na sinundan ko ang bilis niya.

Nagpaekis ekis ang takbo namin upang makalusot sa mga nagsiksikang kotse.

Enjoy naman ako habang sinusundan lang ang asawa ko.

Halos paliparin na nito ang motor sa bilis ng pagpatakbo kahit na marami ang sasakyang nakakasabay namin.

Nakaisip ako ng kalokohan at inunahan ko siya.

Pinaandar ko ang turbo ng motor kaya humarurot ako at nalagpasan siya.

Kahit di ko makita ang itsura niya ay alam kong nakasimangot ngayon si Lian.

Ayaw na ayaw nito ang matalo.

Shit! Malakas na napamura ako nang makita ang isang 16 wheeler truck na biglang sumulpot sa intersection.

Mabilis na inapakan ko ang preno kaya sumagitsit ng todo ang gulong ko sa aspalto ng kalsada.

Saktong tumigil ang motor ko sa dulo ng intersection.

ILYMG Book 3: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon