TNQ 10: Spy

14.8K 310 13
                                    

Gian's POV:

Pinag-aralan ko ang files ni Jake Han..

Ilang araw nalang at ibibigay ko na sa kanya ang bodyguard na nirequest niya para kay Monique.

Pero tila may nakita akong kaduda duda sa files niya.

Di ko naman kayang tukuyin dahil masyadong malinis ang record niya.

Jake Han..

+++++

Monique's POV:

"Babe, what's wrong? Kanina kapa tahimik.." untag sa akin ni Jake.

Magkatabi kasi kaming nanonood ng movie sa kwarto ko.

Pero naglalakbay ang utak ko.

Kumusta na kaya si Brad?

Namimiss ko na ang yugurt ko..

"Babe...?" pag ulit niya sa tawag sa akin.

Napaigtad ako at nag-angat ng tingin.

Hindi pa dapat malaman ni Jake na nakaalala nako.

"Ah wala babe.. May iniisip lang ako.. Sorry.." sagot ko.

Napatitig naman siya ng matiim sa akin.

Yumuko ako upang iiwas ang tingin.

"Maybe your tired.. You rest now.. Doon muna ako sa labas.." sambit niya at tumayo na..

"Babe... I... Goodnight..." tanging nasabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

Minsan pa ay napatitig siyang muli sa akin.

Pero wala naman siyang sinabi at lumabas na ng aking silid.

Napasandal ako sa pintuan at saka bumuntong hininga..

Ikakasal na ako kay Jake.

Pero may iba na akong mahal.

Si Brad...

Napadausdos ako ng upo sa sahig at sinapo ang aking ulo.

Anong gagawin ko?

++++

Brad's POV:

Shit! Para akong pinatay ng ilang beses sa nakita kong tagpo kanina.

Tinungga ko ang bote ng alak na hawak ko..

Gusto kong lunurin ang sarili upang makalimutan ang nakita.

I was in front of Monique's house a while ago.

Gusto ko lang siyang pagmasdan kahit sa malayo..

Namimiss ko na talaga ang yugurt ko.

Kinuha ko ang binocular at umakyat sa puno sa tapat ng bahay ni Mon.

Pinagmasdan ko siya habang nakaupo sa kama at naglalaptop.

Pero laking gulat ko nang may pumasok na lalaki at hinalikan siya sa labi.

F*ck! Muntik pa akong mahulog.

Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamao habang pinagmamasdan silang dalawa.

Magkatabi silang nakaupo sa kama at nakayakap pa ang lalaki sa kanya.

Kung di ko lang napigilan ang sarili ay malamang sinugod ko na sila.

Minabuti ko nalang na umalis sa lugar na iyon at umuwi sa condo..

Lulunurin ko abg sarili sa alak.

ILYMG Book 3: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon