TNQ 5: The Bait

16.2K 378 25
                                    

Lion's POV:

Kanina ko pa tinatry na ihack ang system ng Jung clan.

May gusto akong malaman.

Hindi ako mapalagay sa nasaksihan kagabi.

Si Monique... Buhay siya at balak niyang patayin si Brad..

Anong nangyari sa loob ng apat na taon niyang pagkawala at nagbago amg pagtingin niya kay Brad..

Naging saksi kami noon kung gaano niya kamahal si Brad.

"Anong ginagawa mo dito, Lion?" biglang sambit ni Lian na nasa likuran ko na pala nang di ko namalayan.

Napaigtad pa ako ng konti sa gulat.

"May hahanapin akong files.." sagot ko at muling itinutok ang tingin sa computer.

Nasa loob kasi kami ng laboratoryo ni Daddy.

Umupo naman si Lian sa harap ng isa pang computer at nagsimulang magtipa.

Napakunot noo ako.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo rito?"tanong ko at sinulyapan ang ginagawa niya.

Nakaopen ang satellite vision niya at tila may tinatract na naman siya.

"Hinahanap ko si Monique.." simpleng sagot niya.

What? Napakadirect talaga ni Lian.

Mabilis ang galaw ng location niya at tyak ang bawat destinasyon.

Ilang saglit ko ding pinapanood ang pag-aaccess niya.

Nakalimutan ko tuloy ang kailangan ko ding gawin.

"Bingo!" sambit niya at mabilis na tumayo.

"Hoy! Saan ka pupunta?" tanong ko.

Hindi ko naman kasi nakita ang nahanap niya kasi kaagad na pinatay niya ang computer.

"Aalis na.. Susunduin ko pa ang kambal kina Nina." sagot niya.

Napailing nalang ako.

Tsk! Iniwan ang kambal kay Nina..

Tiyak na may binabalak na naman iyon.

Alam na kaya niya ang nangyaring pagsugod kay Brad kagabi?

+++++

Lian's POV:

Nakita din kita Mon...

Ano kayang nangyari sayo at nagbago ka..

Kung sabagay, lahat naman ay nagbabago..

Pero hindi ko kayang tanggapin ang pagbabagong naganap kay Monique.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse.

Lumusot lusot lang ako sa ibang sasakyan.

Wala akong pakialam sa mga pulis at di rin naman nila ako kayang hulihin.

Tiningnan ko ang radar transmitter na naisend ko sa cp ko.

Malapit na...

Nagpark ako sa harap ng isang katamtamang laking bahay.

Ayun sa radar ay narito si Monique.

Alam ko na sa subdivision ding ito dati siya nakatira.

Ilang minuto akong nakatambay lang doon.

Lumabas kana Nicnic.

Nagtatap nalang ako ng daliri sa manubela.

Iniwan ko ang kambal kay Nina.

ILYMG Book 3: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon