TNQ 21: Threat

13.4K 289 12
                                    

3rd Person POV:

Punong puno ng grupo grupong mga kabataan ang labas ng Underground arena.

Ngayon ang nakatakdang gabi ng pagbubukas nito kaya nagtipon tipon ang mga gangsters na hawak ng iba't ibang grupong kasali sa Rank 10 sa pamumuno ni Rave, at ng Black Phyton Gang.

Nagsimula na ding mapuno ang buong stadium kung saan gaganapin ang paglalaban laban ng mga baguhang nais magpakitang gilas.

Sa gabing iyon ay maglalaban ang bawat gamg na nais mapasali sa underlings ng sampung malalakas na gang ng bansa.

Halos di magkaringgan ang mga tao sa lakas ng tugtog kasabay ng maingay na usapan at kanya kanyang pataasan ng mga baguhang gang.

Isang mgakasunod na ugong ng sasakyan ang biglang naghawi sa kanila at matuon ang pansin sa mga bagong dating.

Si Dos at ang kanyang gang..

Ang Serenity Gang na mula pa sa North Korea .

Umugong ang bulong bulungan pagkakita sa kanilang grupo pero di naman ito nakatinag sa mga bagong dating na mayabang na naglakad papasok sa stadium.

Nakangisi pa si Dos habang inilibot ang tingin sa paligid na animoy iniexamine ang kanyang pag-aari.

Umugong ang malakas na serena mula sa gitna ng stadium hudyat upang umayos na ang lahat at sisimulan na ang palabas.

Magarbo ang buong stadium at salaminang nakapalibot sa battle arena na napakalawak sa gitna.

May mga seksing stewards din n naglilibot ng inumin at pagkain sa mga nakaupo sa loob ng stadium.

Hindi naman kasi basta bastang gangsters lang ang makakapasok doon kundi puro mga bigatin at may kapangyarihan o koneksyon sa malalaking tao sa loob at labas ng bansa.

***

Dos POV:

Tsk... Ang hihina naman ng mga naglalaban.. Nasaan na kaya ang BPG at gusto ko silang mapanood sa arena. Or much better, makakalaban ko sila sa arena.

Kumuha ako ng isang wine sa dumaang stewardess at saka dahan dahang sinimsim ito habang pinapanood ang laban.

"Boss, naiset ko na.. Tayo ang lalaban sa Rank 10.." bulong ni Taki, ang kanang kamay ko.

Sampu kami sa grupo pero iniwan ko ang lima sa Korea at may mahalagang bagay kaming dapat tapusin doon.

Hindi kami dapat magpabaya at baka mapahamak siya... Kailangan naming protektahan ang reyna bago maibigay ang korona sa kanya..

Soon, my queen.. Malalaman mo din kung sino kami sa buhay mo..

"Ladies and gentlemen, sa gabing ito ay maghaharap ang bagong grupo bilang challenger sa ating rank 10.. Lets all witness the Serndipity Gang vs. the Creedo Assassin Gang!" malakas na sigaw ng emcee kahit hawak pa nito ang mikropono.

Umugong naman ang malakas na hiyawan sa buong arena. Batid kasi nilang malakas ang maglalaban lalo pa at nasa Rank 10 talaga ito.

Napasmirk ako at tumayo mula sa aking kinauupuan.

Mas lalo namang lumakas ang hiyawan ng magsilapit ang BPG at maupo sa VIP area ng stadium.

Sige panoorin nyo kami.

"Ang lakas naman ng loob niyo na hamunin kami eh baguhan palang kayo! Kahit pa sabihing ikaw si Dos ng mafia, naranasan mo na bang makipaglaban sa arena huh?" mayabang na sabi ng kanilang lider.

ILYMG Book 3: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon