Chapter 36

444K 9.4K 5.4K
                                    

Hi! Miss me? ;-p

Thank you po sa mga comments, votes and support sa NWTD! Love you all! Mwahugs!

Anyway, hindi na po ako masyado magdadaldal. ^_^

Enjoy Reading!

 

 

NWTD 36:

Vezallius Mansion...

Grae’s POV

Bigla akong napatayo nang makita kong pumasok si Ate Aravella sa kwarto. Sandali kong sinulyapan si Ate Aya na nahihimbing sa kama. Maayos na ang lagay nito pero kailangan pa rin niya ng pahinga. Narito ako sa kwarto niya dahil binabantayan ko siya.

“Ate...” wika ko nang harapin si Ate Aravella. Pasimple kong inilagay ang isang kamay ko sa likuran at inihanda ang punyal. Mahirap na...

Nakita kong ngumisi ito.

“Don’t worry Grae. Wala akong balak na masama sa inyo,” wika nito at bahagyang itinaas ang dalawang kamay. “Sa ngayon...”

Tss!

“Why you’re here? What do you want?”

“Stupid question Grae. Bakit ako narito? Natural dahil pamamahay ito ng mga Vezallius. At bilang nakatatanda rito, normal lang na alamin ko ang kalagayan ng bawat isa rito at kung anuman ang nagaganap rito,” sagot nito. Wala na ang ngisi sa mga labi nito. “Anyway, how is she?”

“She’s fine. She just needs a rest.”

Humakbang ito papalapit kay Ate Aya. Iniharang ko naman ang sarili ko bago pa man ito tuluyang makalapit.

“Just with this distance,” sabi ko. Naningkit ang mga mata nito sa ginawa ko.

Hindi ako nagpakita ng takot dito kahit ang totoo pinanginginigan na ako at pinagpapawisan ng malamig sa presensya pa lang nito.

“You’re brave. But it will kill you...” walang emosyong wika nito.

Bigla akong naalarma at agad na inilabas ang punyal at itinutok dito. Survival instincts.

“Bakit hindi mo gamitin ang katapangan mong ‘yan sa pagbabantay kay Vincent, Grae?”

Magsasalita sana ako pero naunahan ako nito.

“H---“

“You must go to the hospital to guard Vincent, Grae. Kanina ay may nagtangka na namang patayin siya ngunit buti na lang at naroon si Arkand at ang dire wolf. Hindi sa lahat ng oras ay naroon kami hanggang sa maka-recover siya.”

“Anong ginagawa ng batalyong tauhan niya sa mafia---?!”

“We need someone who can be trusted and we trust you. Kahit naroon si Alexei, hindi pa rin panatag ang loob namin.”

“Hindi lingid sa ‘yo ang ginawang paglilihim namin ni Ate Aya at isa ‘yong pagtatraydor sa inyo. Paano mo nasasabing pinagkakatiwalaan niyo ako?” wika ko.

Tiningnan ako nito ng mariin pero hindi nito sinagot ang tanong ko.

“Be ready. Ipapahatid kita sa hospital pagkatapos.”

“No,” mariing sagot ko. “Hindi ko iiwan si Ate Aya rito. Baka may masamang mangyari sa kanya---“

At bigla na lang akong nagulat sa sumunod na nangyari.

Halos hindi ko namalayan ang ginawang atake nito.

Ngayon ay nakahandusay na ako sa carpet at nakatutok ang punyal sa leeg ko. Si Ate Aravella ay nakadagan sa akin at ang isang tuhod ay nasa tiyan ko.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon