Epilogue

238K 6.9K 5.7K
                                    

This is it! The last part! Enjoy! :-)


Epilogue

3 months later...

Third person's POV

"I love you, Boss...to the hell and back..."

"B-Boss---"

Unti-unting nagmulat si Rogue at dahan-dahang nilibot ang tingin sa puting silid. Sa wakas ay nagising na rin ito mula sa tatlong buwang pagkaka-coma.

Napagtanto ni Rogue na nasa ospital siya nang makita ang mga aparato sa gilid ng kama pati ang dextrose na nakakabit sa kanya at kung anu-ano pa.

Pinagtatanggal niya 'yon at bumangon. Medyo mabuway pa ang tayo niya nung una pero kalaunan ay hindi na. Nanunuyo ang lalamunan niya kaya nang makita niya ang side table na may pitsel ng tubig ay agad niyang sinunggaban 'yon. Nilagok niya ang tubig mula sa pitsel at hindi na gumamit ng baso.

"F*ck!" bulalas nito nang maalala ang nangyari sa Gloucester. "Si Arkray!"

Nagmadali itong lumabas pero nakasalubong niya si Reagan na parang nakakita ng multo nang makita siya. Puno ng surpresa at 'di pagkapaniwala ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. Then ilang sandali ay bumalik din ito sa sarili at sinugod ng yakap si Rogue habang naiiyak pa.

"Thank God! Nagising ka na!" wika nito pagkatapos ay mabilis na tinawag ang mga doctor at nurse na kinuha nila para tumingin kay Rogue.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Goodness! You're in coma for three months!" tanong ni Reagan.

"Tss! Anong nangyari sa laban? Nasaan si Arkray? Si Aranea at si Loras?" sunod-sunod na tanong ni Rogue.

"Chill, Rogue," ani Reagan at giniya si Rogue pabalik sa silid at pinaupo sa kama. "Nanalo tayo, Rogue. Cleopatra and her underlings are all dead. Ligtas na rin si Aranea at ang anak niyo ni Vincent. Any day this month ay manganganak na siya..."

"Si Arkray?"

Matagal bago makasagot si Reagan kaya kinabahan na si Rogue pero nanatili pa ring positibo ang isip niya.

"Where is she and what happened to her?"

"Hindi kaya ng mga doktor na iligtas siya---"

Napamura si Rogue at napayo sa sinagot ng kapatid. Marahas niya pa itong hinawakan sa magkabilang balikat.

"Where is she?!" sigaw ni Rogue.

Tinulak ni Reagan si Rogue dahil nasasaktan na siya sa hawak nito.

"F*ck!!!" muling sigaw ni Rogue at ubod lakas na sinipa ang kama. Tumaob pa 'yon dahil sa lakas ng sipa ni Rogue.

"D*mn it! Tell me where is Arkray! She can't be dead!"

Siya namang pasok ng mga doktor kasama si Randall at inawat ang nagwawalang Rogue.

"Enough, Rogue!!!" sigaw ni Randall.

"Dad! Gusto kong makita si Arkray! Nakaligtas siya 'di ba?"

"Magpahinga ka muna at kailangan pang masiguro ng mga doktor na talagang maayos na ang lagay mo."

"Sh*t! I'm okay! Gusto kong makita---"

*Blag!

Hindi na napigil ni Randall na sapakin si Rogue para tumigil.

"Hayaan mo munang matingnan ka ng mga doktor at dadalhin ka namin kay Vincent!" wika ni Randall.

Walang nagawa si Rogue kundi sundin muna ang ama.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon