Chapter 6: The Crazy War Freak!

355K 10.6K 2.4K
                                    

Chapter 6: The Crazy War Freak!

  

Mikaela’s POV

“Whoa! Mukhang may party-party ah! Pwedeng maki-join? Hehehe.”

Natigilan kaming lahat for the second time around nang mapatingin kami sa nagsalita.

F*cking sh*t!!! No way!

“It’s our own business…” Pumasok na sa eksena si Kyfer. “Kaya hwag kang makialam, Hugo!”

It’s the war freak Hugo Romanov if I’m not mistaken. Hindi yata nito kasama si Grae.

Ramdam kong binalot na ng matinding tensyon ang buong gymnasium!

Napalunok ako. Kahit ako ay kinabahan.

“Bad ka Kyfer! ‘Di mo ako sinasali! ‘Di na kita friend! ‘Di na kita bati! Susumbong kita kay Grae!” parang batang sabi ni Hugo.

What the---?! Baliw ata ‘tong Hugo na’to eh. O ‘di kaya’y isip bata?

“As*h*le!” seryosong sabi ni Kyfer pero hindi siya pinansin ni Hugo.
  
“Oy Oliver! Ba’t mo kinakawawa ‘yung idol kong si water-gun guy?!” parang bata pa ring sabi ni Hugo. Dinuro pa nito si Oliver.

Idol?! Si Myles?!

Oh well. This is good! Mukhang magiging kakampi namin siya! Nice!

“You’re out of this, as*h*le!” sagot ni Oliver kay Hugo.

Napatingin ako rito at nagulat.

Hindi ko alam na bugbog na pala si Myles kay Oliver pati rin si Stefi na tumulong siguro kay Myles. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanila. Sana ayos lang sila.

“Tss. You 4 Idiots! Wala na talaga kayong ginawang matino anoh?!” Sumeryoso na ang mood ni Hugo. Lumapit na ito sa kanila.

Sinugod naman ito ni Kyfer pero bago pa man  tumama ang kamao nito kay Hugo ay naunahan na itong tadyakan ni Hugo sa tiyan kaya napaluhod ito at namilipit sa sakit.

“Masakit ba? Well, dapat lang ‘yan sa’yo. You’re not a gentleman. Kahit babae ay sinasaktan mo,” turan ni Hugo. Mukhang nakita nito ang nangyari nung isang araw. ‘Yung sinipa ni Kyfer si Arky.

Si Summer ay humakbang paatras nang lumapit sa ‘min si Hugo.

“Hi!” bati ni Hugo sa akin na napakalapad ng ngiti. T*ng*na. Baliw nga ata 'to.

“’Di ba ‘yan ‘yung violet-eyed girl?” tanong nito.

“Yeah,” sagot ko rito.

Umupo ito para magkalevel kami. Hanggang ngayon kase ay nakasalampak ako sa sahig dahil kay Arky.

“Do I need to kiss her para magising siya?” tanong nito habang nakatingin kay Arkray.

“Baliw!” 'Di ko napigilang singhalan ito. This crazy war freak, anong akala niya?! Si Arkray si Sleeping Beauty at siya ‘yung prince? Tss. May sayad talaga.

“Hahaha! Just kidding!” Tumayo ito at sumeryoso na uli. Sa pagkakataong ito, mukhang galit ito.

Sinigawan nito ang 4 Nobles pati na rin ‘yung mga alipores nito. "Kayo!" Grabe ah, nakakatakot naman kung magalit ang baliw na ‘to! “Sa ngayon, palalampasin ko muna ang ginawa niyo pero sa susunod na saktan niyo uli ang apat na ‘to, sa ospital na talaga ang bagsak niyo!” Natameme naman ang 4 Nobles pati ang mga alipores nito. Napatango ang mga ito dala siguro ng takot.

Whew! Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko katapusan na namin! Mabuti na lang at nasa side namin ang dakilang baliw na war freak.

Tapos ay binuhat na ni Hugo si Arkray at sinabing dadalhin sa clinic.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon