Chapter 13: Some Truths Unfold

387K 10.5K 1.8K
                                    

Chapter 13: Some Truths Unfold

 

Eliza’s POV

Aranea Vezallius…

Ang babaing kaharap ko ay isang Vezallius!

Naikuyom ko ang mga kamao ko habang nanunumbalik sa isipan ko ang mga masasakit na alaala na nangyari labing-anim na taon na ang nakakalipas…

Flashback sixteen years ago…

“Giovanni!” nanghilakbot ako nang makita kong duguang nakahandusay ang asawa ko sa bungad ng pintuan.

“A-Asan a-ang anak n-natin?”

“Nasa kwarto.” Nakita kong ngumiti ito. “Ano bang nangyari?” Naiiyak kong tanong dito. “Sandali, dadalhin kita sa ospital!”

Nahawakan nito ng mahigpit ang braso ko bago pa man ako makatayo.

“No! I w-won’t m-make it---”

“Pero---”

“Umalis n-na k-kayo ni A-Ark-ray. I-ta-kas m-mo siya. H-Hwag m-mong payagang m-ma-kuha siya ni D-Dad…” hirap nitong sabi.

“Gio…” Napahagulgol na ako. Hinawakan ako nito sa mukha.

“A-Ayokong mamulat a-at lumaki siya sa k-karahasan at k-kasamaan…M-Mahal n-na m-maha k-ko k-kay---” Hindi na nito nagawang tapusin ang sasabihin dahil tuluyan na itong binawian ng buhay.

Wala na akong ibang nagawa kundi humagulgol at yakapin ito ng mahigpit.

*

Gayunpaman, hindi ako nag-aksaya ng oras. Alam kong parating na ang mga tauhan ni Gustave Vezallius kaya agad kaming umalis ni Arkray na dalawang taong gulang pa lamang.

Ngunit pagkatapos ng dalawang linggo ay agad naman kaming natunton ni Gustave. Nalaman kong nandito ang buong pamilya Vezallius at sila ang nag-asikaso sa mga labi ni Gio.

“My heiress!” Bakas ang sobrang kasiyahan sa malademonyong mukha ni Gustave habang karga si Arkray.

Kasama pa nito ang isang aristokratang matandang babae na siyang asawa ni Gustave. Katabi naman nito ang apat na bata, tatlong babae at isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang mga anak ni Gio sa yumaong unang asawa nito.

“No! Please don’t take away my daughter from me!!!” pagmamakaawa ko kay Gustave sa kabila ng poot na nadarama ko para rito.

Pilit akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak ng mga tauhan nito ngunit wala akong magawa. Nananakit pa ang katawan ko dahil sa panlalaban ko kanina.

Ngumisi lang ang demonyo at tinutukan ako ng baril.

Napapikit na lang ako ng mariin habang naglalandas ang mga luha ko. Inasahan ko na ito na ang katapusan ko. Mabuti na rin ang mamatay. Wala naman ng kwenta ang buhay ko lalo na’t wala na ang asawa ko at hindi ko na makakapiling ang anak ko!

“Gustave, just let her live since we already got Arkray,” wika nung matandang babae.

“Stay out of this Aria!”

“Gustave, please!” pagsusumamo pa nito.

“Tss!” Ibinaba nito ang baril. Hindi ko akalain na may tao pa palang kayang pigilan si Gustave Vezallius.

Nakaligtas nga ako sa bala ng baril ngunit malakas na hinampas naman ako nito ng baril dahilan ng pagkahilo at pagdaloy ng masaganang dugo sa sentido ko. Tapos ay ibinalya pa ako ng mga tauhan nito sa sahig.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon