Chapter 8: Grae's Confusion

345K 10.5K 1.1K
                                    

Chapter 8: Grae's Confusion


Arkray's POV

B-Blood? What does she mean?

Is that a name or just an expression like Bloody hell?

And is she the so called Grae Lawrence?

"Ah--Miss? Are you okay?" alanganin kong tanong sa kanya. Napaka-awkward kasi ng atmosphere.

"Miss?!" bulalas nito. Parang hindi ito makapaniwala sa narinig. Nasa mukha nito ang magkahalong  pagkalito at pagtataka. Para siyang naguguluhan na ewan.

"Did I hear it right?! You called me Miss?!" Medyo naningkit ang mga mata nito. Parang hindi nito nagugustuhan ang mga naririnig.

"Uh---" Napalunok ako. Gosh! Ninenerbiyos ako sa babaeng 'to.

'Yung itsura pa niya ay parang manununtok na anytime. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko. Baka kasi masuntok ako 'pag mali ang nasagot ko eh. At saka ano ba ang mali kung tawagin ko siyang Miss?

"Don't you recognize me?!"

Huh? Magkakilala kaya kami dati? O baka naman ang ibig sabihin niya ay 'yung hindi ko pagkarecognize sa kanya as the most feared red-haired war freak sa Sang Real?

"Uh---" I don't know what to say.

Matiim lang itong nakatitig sa akin. Tapos ay humakbang ito papalapit.

Napalunok ako.

"Don't dare touch her, redhead!" mataray na sabi ni Mikaela. Pumagitna ito sa amin.

Nagsukatan ng tingin ang dalawa.

"Back off, b*tch!" mariing sabi ni Grae kay Mikaela. She sounds cool yet scary!

"What if I don't?!" palabang sabi ni Mikaela. Nakapamewang pa ito.

"Don't you dare try me..." babala ni Grae kay Mikaela. "I'll say it again once...Back off, b*tch!" Halatang nagtitimpi ito.

Ramdam ko na ang tensyon. Mukhang gulo ang kahahantungan nito kung sakali.

"Tss. I don't care! Even if you're the one who defeated the 4 Nobles! You're the one who should back off! Double bitch!" walang takot na sabi ni Mikaela.

"Triple bitch! Bitch bitch bitch bitch!" mataray na pahabol pa ni Stefi.

So it's confrimed! She's Grae!

Grae smirked. "Fine!"

Uh-oh! This isn't good! 

"Wait!" halos pasigaw kong sabi. I need to stop them! 

"Uh, Miss or Grae rather. I'm really sorry." I look at her in the eyes. Pansin ko lang, parang lagi siyang nagugulat 'pag nagsasalita ako o kaya'y nagugulat sa mga sinasabi ko. 

"Bago lang kasi ako dito sa school. Kakatransfer ko lang kaya pasensya na kung 'di kita kilala...at kung magkakilala man tayo dati...uhm, well... I lost my memories. May amnesia ako kaya sorry kung 'di kita nakilala or natatandaan..." patuloy ko.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Bigla ko nang hinila sina Mikaela at Stefi at dire-diretsong naglakad palayo, palabas ng grocery store. Tss. Mahirap na. I don't want to be in trouble again lalo na kung may ibang madadamay.

Though, alam kong naiwang natitigilan at naguguluhan si Grae. I really have a strong feeling na magkakilala kami dati. Next time ko na lang siguro siya tatanungin about it. Mukhang hindi kasi maganda ang pagkikita namin ngayon eh. 

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon