Prologue

715K 16.3K 2K
                                    

Prologue

France...

"Alpha 1 to Alpha 2, you have an incoming. The target, Black Lamborghini, is approaching Maurois Ave. Do you read?" wika ng isang lalaki habang nakatitig sa monitor sa loob ng isang van. Matagal na nilang pinaghandaan ang operasyon na ito kaya hindi sila maaring pumalpak lalo't nakasugal ang buhay nila rito.

"Loud and clear, Alpha 1. I already have a visual on the target," sagot ng kausap nito mula sa radyo.

"Copy Alpha 2. Take the shot at the turn of the target on the Ave. Alpha 1 to all Alphas, prepare on your posts."

"Affirmative, Alpha 1."

Matapos ang usapan ay pinagsalikop ni Alpha 1 ang mga kamay habang titig na titig pa rin sa monitor. Puspusan ang pananalangin nito sa isipan na magtagumpay sila habang pinakikinggan mula sa radyo ang mga putukan at pagsabog mula mga Alphas.

Samantala...

"Tsk!"

Hindi niya akalain na tatagos ang bala sa matibay na salamin ng sasakyan. Kung hindi siya naging maagap at agad na nakaiwas ay tiyak na natamaan na siya.

Naisip niyang hindi basta-basta ang umaatake sa kanya ngayon dahil mukhang matataas ang kalibre ng mga armas na gamit ng mga ito.

Binilisan niya ang takbo ng sasakyan at inabot ang baril sa tabi nang muling masundan ang pagpapaputok ng baril. Tinalasan niya ang mga mata at hinanap sa dilim kung saang direksiyon nanggagaling ang pag-atake. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya ang munting pulang ilaw mula sa kalaban na nasa mataas na bahagi.

Mabilis niyang binaba ng bahagya ang salamin sa bintana ng sasakyan at inasinta ang kalaban. Sapat na ang isang bala dahil agad niya iyong tinamaan. Gayundin ang isa pang kakampi nito na medyo malapit sa pwesto nito.

Napangisi siya nang marinig ang sigaw nito pati ang tunog ng pagbagsak nito sa kalsada. Hindi pa siya nakuntento ay dinaanan pa niya iyon at pinagulungan ang walang buhay na katawan ng mga ito.

Hindi natigil ang pag-atake sa kanya kaya ilan na rin ang tama at daplis na nakuha niya. hanggang sa matamaan na ang headlights ng sasakyan dahilan para hindi na niya makita ang daraanan. Hindi rin masyadong nakatulong sa kanya ang mga poste ng ilaw para gabayan siya sa daan.

"Bloody hell!" bulalas niya lalo na nang salubungin siya ng isang malakas na pagsabog.

Nagawa niyang iwasan iyon ngunit hindi na ang mga sumunod. Tinamaan ang likuran ng kanyang sasakyan at naging dahilan 'yon para mawalan siya ng kontrol at bigla niyang mapihit ang sasakyan sa kabilang direksyon.

Wala na siyang nagawa nang bumaligtad ang sasakyan dahil sa lakas ng pagkakatama sa railing bago iyon mahulog at dumausdos sa bangin.

*


Matapos mahulog sa bangin ang Lamborghini ay lumapit ang mga Alphas sa gilid ng bangin at sinigurong hindi na mabubuhay pa ang sakay nito. Halos ubusin nila ang mga bala sa pagbabaril sa madilim na bahagi ng bangin. Hinagisan na rin nila ng ilang de-kalibreng bomba ang banging kinabagsakan ng sasakyan.

"Mission accomplished!" wika ni Alpha 1 habang nakatanaw sa mala-impyernong apoy sa ibaba ng bangin.

.

.

.

"Job well done!" puno ng galak na wika ng isang magandang babaeng kakababa pa lang sa itim na limousine. Sa ayos at tindig nito ay hindi maipagkakailang nabibilang ito sa alta sosyedad.

Lumakad ito papunta sa gilid ng bangin kung saan naroon ang mga armadong tauhan na agad nagbigay-galang at umalalay dito.

Bakas sa magandang mukha ng babae ang labis na saya dahil sa nakamit na tagumpay habang pinapanood sa ibaba ng madilim at malalim na bahagi ng bangin ang isang sasakyang tinutupok ng naglalagablab na apoy. Hindi nito alintana ang init at usok na nagmumula roon.

"Finally you're dead!" the woman smirked. "You'll now see hell where you came from and meet the other demons like you!!!"

Then the woman lit a cigarette and smoked.

"Burn in hell, Blood-eyed demon!!!" she said as she laughs devilishly.

***

© Hraefn

Votes and comments are highly appreciated! 

Thanks for reading! :-)

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon