Chapter 16: The Enemy's Plan

323K 9K 1.8K
                                    

Hellooo! :DDD

Guys, uunahan ko na kayo, this is just a short update and I find this chapter a lame one. Pasensya na po kung lame rin ang tingin niyo sa chapter na 'to. Babawi na lang ako sa susunod. Hehehe. ^_^v

Enjoy reading! :DDD

Chapter 16: The Enemy's Plan

Third Person's POV

Ford's mansion, Arkray's room

6:20 A.M.

Hindi mapakali sa loob ng kwarto ni Arkray sina Aranea, Eliza at Grae. Tinawagan ni Aranea si Grae at ipinaalam dito ang nangyari kaya napasugod ito ng 'di oras sa mansyon ng mga Ford.

Lahat sila ay kinakabahan dahil baka paggising ni Arkray ay bumalik na ito sa dati. Halos hindi nga sila nakatulog sa buong magdamag dahil sa isiping 'yun.

"This is all my fault!" sisi ni Aranea sa sarili. Hindi ito mapakali at palakad-lakad sa loob ng kwarto.

"Iha, calm down. It's not your fault. Hindi mo kagustuhan ang nangyari," malumanay na sabi rito ni Eliza. Nakaupo lang ito sa couch pero halatang hindi rin ito mapalagay.

Si Grae naman ay tahimik lang na nakasandal sa pader habang nakasubo ang punyal sa bibig. Halatang tense rin ito sa nangyari at sa maaaring mangyari.

.

.

.

KRRRIIINNNGGG!!!

Muntik nang mapatalon sa gulat ang tatlo nang tumunog ang alarm clock ni Arkray.

Nagkatinginan ang tatlo nang gumalaw ng bahagya si Arkray.

Gising na ito.

"Mmm..."

"Lord please! Hwag naman sana!" piping dasal ni Aranea.

Pigil ang hininga at halos walang gumagalaw sa tatlo nang patigilin nito ang alarm.

At binalot ng takot ang mga ito nang tumingin sa direksyon nila si Arkray na may blangkong ekspresyon sa mukha.

Arkray's POV

KRRRIIINNNGGG!!!

"Mmm..."

Tss! Ingay! =__=

Medyo masakit pa ang ulo ko pero pinilit kong bumangon para patayin ang alarm.

Tss. Gusto ko pang matulog. -.-

Napansin kong parang may ibang tao sa loob ng kwarto ko.

Huh?

Anong ginagawa nila rito at bakit ganyan ang mga itsura nila? Parang multo ang nasa harap nila ah. -_-

Then bigla kong naalala ang nangyari nang mapadako ang tingin ko kay Ate Aya.

"Waaahhh! Ate Aya!" Sinugod ko siya ng yakap. "Anong nangyari? Nakaligtas tayo 'di ba?"

Napansin kong nakahinga sila ng maluwag na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"Don't you remember anything, Vinci?" tanong ni Ate.

Umiling ako, "Nah. Basta ang natatandaan ko lang ay sobrang nagagalit na ako dahil sa pinaggagawa nila sa 'yo. Then after, wala na. Parang nagdilim na lang bigla ang paningin ko at wala na akong maalala sa sumunod na nangyari."

"Maybe too much anger ate your consciousness," wika ni Grae.

Nagkibit-balikat lang ako.

"What happened after?" tanong ko.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon