Chapter 18: The Young Vincent: How the Demon Was Born

386K 9.7K 1.3K
                                    

Chapter 18: The Young Vincent: How the Demon Was Born

Arkray's POV

Mabuti at pumayag si Mommy na dito sa bahay magspend ng weekends ang mga kaibigan ko, including Grae and Hugo. Nakigulo rin ang mga ito at nakipagbonding kaya mas lalo kaming nag-enjoy lalo pa't maraming alam na kalokohan si Hugo.

Dahil din sa bonding na ito kaya medyo sanay na sila Mikaela sa presence ni Grae. Okay na rin ang pakikitungo nila sa isa't isa kahit medyo may konting awkwardness sa pagitan nila. Halatang naiilang pa sila ng konti kay Grae. Though mabuti na rin ito kesa nung ipakilala ko sa kanila na pinsan ko si Grae. Sobrang nashock sila at grabe ang reaksyon nila lalo na si Mikaela. Grabe ang tensyon sa pagitan nila nun ni Grae. Haist... malay ko ba sa dalawang 'yan. -_-

Anyway, nasa entertainment room kami at nagmo-movie marathon ng Japanese at Korean horror movies. "The Grudge" ang pinapanood namin ngayon.

"Eeeehhhh!!!" tili ni Stefi habang niyuyugyog ako. =_____=

"Oh my!!! Kyaaaaahhhhh!!! Ayan na!!!" tili naman ni Mikaela na lalong nagsumiksik sa akin. =____=

Kanina ko pa gustong pag-umpugin ang dalawang 'to dahil sa sobrang likot! Kanina pa rin ako nabibingi sa tili ng dalawang 'to! Psh! Napapagitnaan pa naman ako.

Hindi tuloy ako makapagfocus sa movie!

Nahagip ng mga mata ko ang isang Ipod na nasa tabi ni Myles. Hindi ko alam kung kanino ito. Anyway, inabot ko 'yun. Magsasoundtrip na lang ako tutal ay hindi naman ako makapagfocus sa movie. Isa pa, ang mas gusto kong panoorin ay 'yung puno ng gory scenes.

Puro classical music ang nakita kong nasa playlist. Tss. Though better na rin 'to kesa puro tili nila Mikaela at Stefi ang naririnig ko. 

I turned the music into a full volume. 

.

.

.

At 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.

***

Natagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa may fountain na nasa gitna ng isang napakalawak at napakagandang hardin.

"Where am I?"

Tumayo ako at nagpalinga-linga sa paligid. Nagbabakasakaling hindi lang ako ang narito lalo pa't nakakarinig ako ng tugtog na galing sa music box. Hinanap ko kung saan 'yun nanggagaling pero nahihirapan akong tukuyin kung nasaan.

Ilang sandali ay naglaho ang tunog ng music box at napalitan ng mga paghikbi na nanggagaling sa kabilang bahagi ng fountain. Agad ko 'yung tinungo at nakita ko ang isang batang babae na nakaupo sa gilid ng fountain. Yakap-yakap nito ang mga binti at nakasubsob ang mukha nito sa mga tuhod. Patuloy pa rin ang paghikbi nito.

Nilapitan ko ito.

"Hi!" bati ko rito pero hindi man lang ako nito pinansin.

"I'm Ate Arkray. What's your name and why are you crying?" wika ko pa rito.

Hinawakan ko ang buhok nito at hindi naman ito pumalag kaya nagpatuloy ako sa paghaplos ng tuwid at itim na itim na buhok nito. Her hair is the same as mine...

"I'm V-Vincent..." sagot nito sa pagitan ng mga paghikbi. Tho nasa ganoon pa rin ang ayos nito.

Oh, she has a guy's name.

But...

Vincent...

Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang pakiramdam na hatid ang pangalang 'yan.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon