NWTD Special Chapter 1.0

146K 3.7K 1.3K
                                    

Part 1 of 2

Third Person's Pov

"Ser Rogue, Ma'am Bencent! H-Hende ko na po talaga kaya! Aales na po ako!" nagkakaindaiyak na wika ni Jasmine na ang itsura'y tila nilublob sa harina. Panay ang punas nito ng luha sa mga matang nangingitim ang gilid dahil sa nagkalat na mascara. Gulo-gulo rin ang buhok nito na para bang sinabunutan ng limang unggoy. Lagkit na lagkit pa 'yon dahil sa glue. Liban sa sinaboy na harina, ang uniporme nitong pangkatulong ay may mga punit din at puno ng mantsa ng pintura.

"Dodoblehin namin ang sweldo mo, Jasmine, hwag ka lang umalis," wika ni Rogue. Si Jasmine ang panglabing-limang yaya na kinuha nila ni Vincent para sa kambal na ngayo'y anim na taong gulang na. At ito ang pinakamatagal dahil ito lang ang nakatagal ng isang linggo.

"Ser, kahit treplehin niyo pa po. Ayaw ko na po talaga," anito na panay pa rin ang hagulgol. "Ayaw ko pa pong mamatay, Ser!"

"Baka gusto mong ayusin mo muna ang sarili mo bago ka umalis?" wika ni Vincent.

"Hende na po! Baka kung ano pa ang mangyari saken pag nagtagal pa po ako!"

Wala nang nagawa ang mag-asawa nang magmartsa si Jasmine palabas ng mansyon dala ang maleta.

"Tsk! Those twins!" medyo asar na sabi ni Vincent na ikinatawa lang ni Rogue.

"Mana kasi sa 'yo."

Tinaasan ito ni Vincent ng kilay, "Sa akin lang ba?!"

Inakbayan na lang ito ni Rogue at hinalikan sa ulo para kahit papaano ay mawala ang inis nito. Ngayong wala na namang yaya ang kambal ay kinakailangan na naman nilang papuntahin si Aranea o si Eliza para mag-alaga sa mga ito. Kailangan kasi nilang umalis muna ng ilang araw para tulungan si Arkand sa problema sa mafia. Hindi kasi biro ang kinakaharap nila ngayon lalo't pinagkakainteresan ng isang intelligence agency ng gobyerno ang Heart of Vezallius. Ayos lang sana kung katulad nilang mafia ang kanilang kalaban pero ibang usapan na 'pag involve na ang galamay ng gobyerno.

"As much as I don't want to disturb them, I don't have a choice. I'm gonna call Aya or Mom," wika ni Vincent at iniwan si Rogue.

Samantala ay pinuntahan ni Rogue ang kambal sa kwarto ng mga ito.

***

"Loras, is yaya gone na?" tanong ni Claude at sinilip si Loras na nasa ilalim ng kama.

"Oo, kakaalis lang," sagot ni Loras kung saan nakaharap ito sa laptop na regalo rito ni Myles. Customized 'yon para sa gamit ng isang anim taong gulang na bata. Gayunman ay nilagyan 'yon ng access sa cctv na nakalagay sa labas ng kwarto nila at sa labas ng mansyon.

"Claude! Daddy's coming!" sigaw nito matapos ang ilang sandali at nagmadaling gumapang papalabas ng ilalim ng kama.

Mabilis nilang inayos ang mga gamit at nilagay sa malaking baul ang mga kalat na 'di na nila kayang ligpitin pa.

"Loras may paint ka pa!" sabi ni Claude at kinuskos ang pisngi ni Loras na may bahid ng pintura.

Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng pagkatok.

***

Kumatok muna si Rogue sa pinto kahit alam niyang bukas 'yon. Napangiti siya ng sumagot ang kambal pero ikinubli niya yon.

"Come in, po!" magalang na sagot ng mga bata.

Pagbukas ng pinto ay nadatnan niyang napakaayos ng kambal. Si Loras ay naglalaro ng PSP nito habang nakaunan sa nakadapang direwolf na si Rogue. Si Claude ay nasa loob ng malaking doll house nito at nilalaro ang robotic doll na regalo rito ni Myles.

Never Wake The Demon (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon