Chapter 3

86.4K 2.5K 279
                                    

          

                                                    ****

Pumipirma si Lance ng mga nakatambak na dokumento sa kanyang mesa. Isa-isa niya ring nirereview ang mga demand at communication letters na ginawa ng kanyang mga paralegal. Minasahe niya ang pagitan ng kanyang mga kilay. His mind is starting to get exhausted. Galing na siya sa isang hearing at tatlong client meetings tapos pagdating pa sa opisina ay santambak pang mga sulat ang kailangan niyang repasuhin.

He pressed the intercom button to ask for a coffee. Napalingon siya sa labas ng kanyang opisina. Nakita niya ang bagong staff habang hindi ito magkandaugaga sa pagsagot sa sunud-sunod na tawag sa telepono. Kitang-kitang nagpapanic ito habang magkasabay na nakikinig sa kausap at nagti-take notes. Napailing siya. What an eyesore. Lalo na ang hitsura at weirdong pananamit nito. Her first day and second day fashion style are almost the same which is a symbol of no formality at all na para bang ang tingin sa firm nila ay isang malaking playground lamang.

"Yes Attorney?" Nadine entered.

"Bring me a coffee."

"Sige po attorney."

"Sandali lang. Let Haidee do it. Huwag kang magkakamaling iutos yan to that new girl."

"Ah opo attorney. Don't worry pag naturuan ko na ho siya ng maigi kasama na pagdating sa taste niyo sa coffee, that's the time I'll let her do errands for you," pahayag ni Nadine.

"Don't let her do important paper works. Hayaan mo siyang maging taga-xerox at tagasagot lamang ng telepono tutal hindi naman siya magtatagal dito sa opisina."

"Yes, attorney."

Bumalik si Lance sa ginagawa pagkalabas ng sekretarya. Wala pang isang minuto ay tumunog ang intercom. Dinampot niya ito.

"S-Sir..." It's the new girl and her voice sounds nervous. "Y-Yung tatay n-niyo po nasa line 2."

He put down the receiver at inangat ang nabanggit na linya ng telepono with a blank reaction.

"Dad?"

Singhal agad ang sumalubong sa kanya kaya panandalian niyang nailayo ang telepono sa tenga.

"Why didn't you show up in your date last night?! Alam mo ba kung gaano ako napahiya kay Congressman Zamora dahil sa kagagawan mo?! How dare you stood up his precious daughter?!"

"Sorry Dad, I forgot about it. I was busy the whole night," napapakamot sa ulo at napapangiwing katwiran niya. Totoong nakalimutan niya ito at ngayon din lamang naalala ang tungkol dito.

"Busy saan?! Sa pambabae at pag-iinom kasama ang mga palikerong kliyente mo?! Huwag kang magdi-deny dahil nakausap ko ang driver mo!"

"Yes but although it looked like I was having fun, still I was with a big client so I couldn't say no," malumanay na paliwanag niya.

"Who says you can't say no?! Your job is to win cases for them not to entertain them! Lance Oliver huwag mong gawing excuse ang trabaho sa mga kalokohan mo!"

"Alright...alright..." pagkalma niya sa ama. "Give me the phone number of that lady. I'll call her to apologize."

"No need. Ni-reschedule ko na bukas ang date niyo. Bukas ka na lamang humingi ng despensa sa kanya."

"Dad?!" may pagtutol na sambit niya. "Shouldn't you asked my schedule first?"

"Pag tinanong kita, tiyak na marami kang maiimbentong appointments para makaiwas."

"That lady isn't offended yet for her to agree again on another date?" takang wika niya.

"It looks like she's very interested to you. Grab this opportunity. Start dating gracious woman, hindi yung mga babaeng kung saan-saang bar mo lamang nahahablot!"

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon