Chapter 12

69.6K 2.1K 167
                                    

                   ****


KRISTINA

Di na ako mapakali dito sa couch na kinauupuan ko habang naghihintay sa lobby ng isang five star hotel. Ikaw ba naman ang mahigit dalawang oras ng nakaupo at nakatanga. Nakaidlip na nga ako't ginising na lang ng isang personnel at pinagsabihang bawal daw ditong matulog. Namamanhid na ang puwet ko at medyo nag-aalboroto na rin sa gutom ang aking tiyan. Hindi ako makaalis dahil baka bigla na lang akong hanapin ni attorney. Ibang klase pa naman ang pang-amoy nun yung tipong ilang oras kang nakanganga lang pero pag nawala ka ng limang minuto saka ka tatawagin.

Yes. Tonight is the night. Ang pinakahihintay at pinaghirapan kong maisakatuparan na Perez-Buenavidez blind date. Madugo ang pinagdaanan ko para mangyari ito. Ang hirap ng Ms. Buenavidez na yun, pasamba! Lagi na lang nire-reschedule ang date at idinadahilan ang walang katapusang pagkakawanggawa niya. Talo pa ang isang pulitiko sa kaliwa't kanang dinadaluhang mga social events. Buti na lang pinagbigyan na talaga ako sa huling pagmamakaawa ko. Aba dapat ko ng lunukin ang pride ko dahil isang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako nakakausad kahit isang hakbang dun sa pustahan namin ni labsey.

Pinagtiyagaan ko talagang amuin tong si Ms. Hannah. Siya lang kasi ang naamoy kung sagot sa ikakapanalo ko sa pustahan. Sa fashion show pa lang ni Ma'am Scarlet dama ko ng may kaunting tama na sa kanya si labsey. May kirot pero titiisin ko kung ito naman ang dahilan para manatili ako sa firm. Talo ka na nga sa puso, bigo ka pa ba sa trabaho?

Nasa isang restobar sa third floor ang dalawa kaya wala akong kaide-ideya kung ano na ang nangyayari. Halatang nag-eenjoy ang aking amo. Sa iba kasi, pinakamatagal na ang isang oras na inilalaan niya.

Silipin ko kaya para naman may magawa ako?

Umakyat ako ng third floor at pumuwesto sa entrance ng restobar.

"Welcome po Ma'am. Table for how many?" tanong sa akin ng waiter.

"Ah-eh hindi ako magi-stay. May titingnan lang ako."

Humaba ang aking leeg sa pagtanaw sa mesa nina attorney. Masayang nag-uusap ang dalawa at may dumating pang order na isang bote ng wine. Ibig sabihin magtatagal pa ang mga ito.

"Nakita niyo na po ba?" tanong sa akin ng waiter na ayaw lang akong diretsahing bawal pumasok ang hindi kustomer.

"Oo. Sige salamat."

Lumabas ako at ilang saglit na tumambay sa pasilyo ng third floor. Kailangan pa kaya ako ni attorney? Umuwi na kaya ako? Para naman kasing nakalimutan niya na ang lahat sa ganda ng mga ngiti niya habang kausap si Ms. Hannah. Mukhang hindi niya na naman ako kailangan. Ang silbi ko lang naman ay taga-isip ng excuse para makatakas siya sa di nagugustuhang ka-date. Eh dito parang handa siyang makipag-usap kahit hanggang umaga.

Subukan ko na kayang magpaalam? Lumalalim na ang gabi tapos nagugutom pa ako.

I texted him.

'Attorney pwede na po ba akong umuwi? Baka mahirapan na po akong sumakay ng jeep biyaheng Marikina kapag ginabi ako masyado. Alam ko naman pong wala kayong driver ngayon na pwede kong pakisuyuang maghatid sa akin.'

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon