Chapter 31

82K 2.4K 349
                                    


KRISTINA

Pagkaalis ni labsey, nagpatawag agad ng general meeting si Tita Rose sa kusina. Tinanong ko siya kung ano ang sinabi niya kay labsey nang sundan niya ito papalabas ng gate.

"Sa akin na lang yun!" masungit na sagot niya.

"Eh ano nga ho ang sinabi n iyo sa kanya?" kulit ko pa rin.

"Bakit ba gusto mong malaman?!" Pinandilatan niya ako.

"Eh kasi baka na-offend niyo. Tapos di na ulit yun bumalik dito!" nagpipiksing sabi ko.

"Kung talagang totoo ang nararamdaman sayo nung tao, magpupursigi yun! Makarinig man ng masasakit na mga salita!"

Nanlaki ang aking mga mata. "Ibig niyong sabihin pinagsalitaan niyo talaga siya ng masama?!"

Ngumuso si tita Rose at nag-isip ng ilang sandali. "Ah... hindi naman. Amo ko pa rin siya siyempre, paano kung bigla niya akong tanggalin sa trabaho."

"Ano po ba talaga ang sinabi niyo sa kanya?"

Tinaasan niya ako ng isang kilay at humalukipkip. "Na kung laro-laro lamang sa kanya ang lahat, sana tigilan niya na habang maaga. At sana ay huwag makaapekto sa trabaho ang ligaw-ligaw na ito. Ayoko na pagtsitsismisan kayo sa opisina. Sa kanya walang mawawala pero sayo malaki! Tiyak na iisipin ng buong firm na inakit mo yung amo natin," taas noog pahayag niya.

Ganyan ang pagkakasabi niyo?!" malakas na bulalas ko.

Napakurap siya nang bahagyang magulat. "Hindi. Sitempre may bahid pa rin ng paggalang ang tono ko."

Nakahalata siya sa sobrang pag-aalala ko. Kinurot niya ako sa tagiliran at hinila papaupo sa mesa.

"Haliika ka nga dito. Mag-usap tayong mabuti!" gigil na sabi niya.

"A-Aray Tita Rose! Aray!"

"BERTOOO HALIKA DITO, SUMALI KA SA USAPAN!"

Lumabas ng kuwarto si Tito Bert karga ang pinapatulog na baby.

"Ibigay mo muna si baby sa yaya niya at tulungan mo akong kausapin itong pamangkin ko!" matigas na utos ni Tita Rose sa asawa.

Ipinasok ni Tito Bert ang sanggol sa kuwarto at tinawag ang katulong para magbantay dito. Mahinahon niya kaming binalikan at hinila ang upuan sa harap namin.

"Nakaalis na ba si Attorney Perez?" kalmadong tanong nito habang umuupo.

"Yan lang? Yan lang ang reaksiyon mo?!" nakangiwing sabi ng aking tiyahin.

"B-Bakit may iba pa ba akong dapat sabihin?" litong sagot ni Tito.

Lalong na-highblood si Tita. "Pumunta dito ang amo ko na anak ng amo mo para ligawan itong si Tintin tapos wala kang dapat sabihin! Berto ano ka ba?!"

"Ma, ano namang masama dun. Binata si Atty. perez at dalaga naman yang si Tintin..."

Pinipigilan kong ngumiti. I'm so happy na nakahanap ako ng kakampi kay Tito Bert.

"Nung una pa lamang na pagbisita niya rito halata naman may iba siyang pakay... hindi lang dahil sa nanganak ka. Saka hindi mo ba nahalata sa mga paghatid-hatid niya diyan kay Tintin? Hindi niya naman ginagawa yun sa ibang mga empleyada ah," dagdag pa niya.

"Hindi ko nahahalata dahil hindi ko binibigyan ng malisya! Sino ba naman ang mag-aakalang papatol siya sa isang gaya ni Kristina?!"

Aray! Okray talaga to si Tita Rose pag galit!

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon