Chapter 25

86.8K 2.8K 468
                                    

LANCE

Ang agang masira ng araw ko. Bakit kailangang makasabay ko pa sa harap ng building ang magtiya na hinahatid ng pa-good boy nilang kapitbahay.

Nasa unahan ng sasakyan ko ang kotse ni Joshua. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang pagbaba dito nina Kristina at Mrs. Dakdak. Mas lalong nag-init ang mga pisngi ko nang pinagbuksan pa talaga ng lalaki ang dalaga ng pinto. Hinawakan ang palad saka inalalayan ito sa paglabas. I chuckled in disbelief. She doesn't mind him touching her!

Humigpit ang hawak ko sa manibela. Ang sarap apakan ng selinyador kundi lang sayang na ibangga ang mamahaling kotse sa mumurahing bumper.

Tiim bagang lumabas ako ng sasakyan. I threw the keys to the valet at walang lingon-lingong pumasok ng lobby. I headed to the elevator at hinintay ang pagbaba nito. Maya-maya lang ay nasa tabi ko na ang magtiya.

"Good morning attorney!"

Walang reaksiyong tiningnan ko si Mrs. Dakdak at pagkuway ibinalik ko ang aking mga mata sa elevator. I didn't greet back.

"Good morning attorney!" Kristina greeted.

I didn't not respond nor even look at her.

"Mukhang bad mood si attorney," dinig kong bulong ni Mrs. Dakdak sa pamangkin. "Naku patay na naman ang ambience sa opisina."

The elevator door opens.

Pumasok ako sa loob. I pushed the open button at nagtaka ako nang hindi humahakbang ang dalawa papasok. My brows furrowed.

"O-Okay lang ho bang makisabay?" tanong ni Mrs. Dakdak.

"Get in," tipid na sagot ko.

"Halika na. Huwag nating paghintayin si attorney!" mabilis na hinila nito ang pamangkin.

Pumwesto sila sa bandang likuran ko. No one said a word not until Ms. Bartolome opens her mouth.

"Ay Tita Rose naiwan ko po yung payong ko sa kotse ni Joshua!"

"Shhh... huwag kang maingay ano ka ba? Itext mo na lang si Joshua na itabi niya muna."

Napangisi ako sa isipan. Hanggang dito ba naman ay kailangan ko pang marinig ang pangalan ng taong yun?

Lumabas ako ng elevator na para bang wala akong kasabay. Seryoso at malalaki ang hakbang na pumasok ako sa firm. Everyone greeted me without getting any response. At lahat ay nagsipag-ayos ng upo sa kani-kanilang mesa.

Nilampasan ako nina Mrs. Dakdak. Nagmamadali ang mga itong pumuwesto sa kani-kanilang mga mesa.

"Nadine give me the list of my pending clients and their cases. I want to decide kung sino ang mga tatanggapin ko. Put your assessment and recommendations too," utos ko habang dumadaan sa kanyang mesa.

"Y-Yes attorney."

"Mrs. Dakdak give me my whole schedule for the week and also coordinate with my paralegals. I want to review the newly acquired evidences," I ordered without looking.

"Yes attorney!"

I paused for a while. I looked at Kristina's table with clenched jaws.

"Ms. Bartolome, bring me coffee. I want it strong and very very hot!"

"Yes attorney."

Pumasok ako sa aking opisina at pabalibag na isinarado ang pintuan. Niluwagan ko ang aking necktie bago maupo sa aking desk. Lukot ang noong binuksan ko ang aking MacBook. A few minute laters, Ms. Bartolome entered.

"Attorney andito na ho yung kape niyo."

I gave her a sharp look but she remains clueless about my mood. Nakangiti lamang siya sa akin.

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon