Chapter 15

75K 2.3K 225
                                    

                ****

KRISTINA

"Maybe this time it'lll be loving they'll find
maybe now they can be more that just friends
She's back in his life and it feels so right
MAYBEEE THIS TIME LOVE WON'T EEEEEEND!"

Idinadaan ko na lang sa malakas na pagkanta ang pagiging abala ko sa pag-aayos ng valentines escapade ni labsey. Pilit kong pinapaniwala ang aking sarili na okay lang ako at kinikilig sa tandem nila ni Ms. Hannah. May choice pa ba ako kundi ang magsilbing presidente na lamang ng fans club ng love team nila? Basta ang importante ay maging masaya ngayon si labsey kaya magiging masaya na rin ako.

Kasalukuyan akong nasa isang suite ng hotel na pinagtatrabahuan ni Joshua. Nagpatulong talaga ako sa kanya para maireserba ang isang kuwartong may magandang view sa gabi. Romantic at overlooking ang magandang tanawin ng lungsod. Hindi ito alam nina attorney at Ms. Hannah. Siyempre surprise plan ko ito para sa kanilang dalawa. Kailangan ngayong gabi ay maselyuhan na ang pagkapanalo ko sa aming pustahan.

Ang date venue talaga nila ay sa isang Mexican Bar sa baba kaso na-anticipate ko na ang mga pwedeng mangyari. They were both at the age of being liberated kaya malamang sa ganito rin mauuwi ang mga susunod na eksena. Buti na lamang at dito pa rin sa hotel na ito nirequest ni Ms. Hannah na makipagdate kay attorney.

Inayos ko ang buong kuwarto. Nilagyan ko ng mga heart shaped balloons, mga bulaklak at halos punuin ko ang paligid ng scented candles. Sinabuyan ko ng mga talulot ng pulang rosas ang sahig ganoon din ang kama kung saan gumawa pa talaga ako ng hugis pusong gawa sa mga petals.

Hayyy....sana ako na lang ang humiga dito. Sana ako na lang ang ikulong ni labsey sa mga bisig niya. Sana sa mga labi ko na lang dumampi ang mga labi niya. Pag nangyari yun, siguro ay mapapatili talaga ako sa kakiligan.

Bigla akong natauhan at kinikilabutang napayakap sa aking sarili. Ano tong mga naiisip ko? Pag nangyari yun tiyak na papatayin ako ng aking mga magulang. Umiling ako at saka muling dahan-dahang napangiti.... Siyempre pwede pa ring mangyari yun, kapag ikinasal na kami. Ayiiiieee!

Nang matapos akong mag-ayos ay isa-isa kong sinindihan ang mga kandila. Pinatay ko ang ilaw. I am awed by my own creation. Kung ganito ka-intimate at romantic ang ambiance tapos sasabihan ka pa ng mga matatamis na salita ng isang lalaking kagaya ni labsey tiyak na matutunaw kahit ang puso mong sintigas ng bloke ng yelo.

Muli kong binuhay ang ilaw at isa-isang hinipan ang mga kandila. I reviewed everything hanggang ma-realize ko na parang may kulang pa. Nakalimutan ko ang wine! Inilabas ko sa refrigerator ang isa sa dalawang bote ng wine na inorder ko. Inilagay ko ito sa kama sa gitna ng mga petals kasama ng dalawang wine glasses.

Tiningnan ko ulit ang paligid.

"Perfect!" napapangiting sambit ko.

Pinagpagan ko ang aking mga kamay hanggang sa di sinasadyang napatitig ako sa wine. Ano kayang lasa nito? Joshua said it's the bestseller to their high end guests. Should I try it tutal dalawang bote naman ang inorder ko? Baka kasi di magustuhan ni Ms. Hannah. Feeling ko pa naman may pagka-choosy yun. Baka masayang lahat ng efforts ko kung pagdating sa alak ay bagsak ako.

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon