Chapter 21

91.2K 2.9K 643
                                    

 

****


KRISTINA


"Good morning Ms. Bartolome," masiglang bati sa akin ni Atty. Perez.


Naririnig ko lang siya pero di ako nakatingin. Abala ako sa pagsusulat sa aking mesa.


"Good morning, Ms. Bartolome," ulit niya.


Nagtengang-kawali ako. Pag nag-angat ako ng mukha baka panlisikan ko lang siya ng mga mata.


"Kristina!" malakas na tawag sa akin ni Ms. Ferrer. "Kinakausap ka ni Atty. Perez!" madiing sita niya habang pinandidilatan ako ng mga mata.


Saka lamang ako napipilitang tumingin sabay bigay ng pilit ding ngiti sa aking among may maaliwalas na mukha.


"G-Good m-morning po...." sabi ko sabay nagmadali akong yumukod bilang kunway paggalang. Hindi na ako muling nag-angat ng mukha at muli kong itinuloy ang aking pagsusulat. I really hate to see his face now.


Naririnig ko ang mga yabag niya patungo sa kanyang opisina. Nang makapasok siya ay agad akong pinagsabihan ni Ms. Ferrer.


"Kristina, ano bang nangyayari sayo? Kauutos pa mandin lang sa akin ni attorney na gawin ang memo tungkol sa extension mo tapos tatamlay-tamlay ka ngayon. Be lively and be alert bilang simpleng ganti sa pabor na ibinigay niya sayo. Mukhang maganda pa naman ang mood ni attorney ngayon! Sige ka, baka magbago ang desisyon niya!"


Siyempre! Talagang maganda ang mood niya. Ang sarap ng panaginip niya eh!


Nahihiyang nginitian ko si Ms. Ferrer. "Pasensiya na ho. Masyado lang akong naka-focus sa pinapasulat niyo kaya di ko napansin ang pagdating ni Attorney Perez," katwiran ko.


I stole a quick glance to attorney's office. Komportable itong nakasandal sa kanyang upuan, nakadekuwatro habang ngingiti-ngiting nakikipag-usap sa cellphone.


Muling nag-init ang aking mga pisngi. I grabbed an extra blank paper at gigil na gigil na pinagsusulatan ito ng kung anu-ano na lang.


Hindi ko pa rin matanggap ang tragic ending ng first kiss ko! It was supposed to be very romantic. He made me feel like I was being cared, treasured and cherished. I felt so light at animo akong lumilipad kasabay ang mga ulap. One of my ultimate dreams had finally come true. Ang mahalikan ka ng lalaking pinapangarap mo nang buong-buo. With eyes closed while receiving gentle, sweet and passionate kisses. A likely honest feelings.... not until he called me 'Hannah'.


Sino ang hindi matatauhan?


At that very instant, tumakbo ako papalabas ng bahay niya. I was completely humiliated at sa buong panahong paghahabol-habol ko sa kanya, noon lamang ako nakaramdam ng totoong awa sa aking sarili. I thought that maybe my foolishness of dreaming the impossible had finally reached rock bottom.

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon