Chapter 4

84.7K 2.3K 280
                                    

       

                                                *****

KRISTINA

Paikot-ikot ako sa higaan. Maya't mayang nalalaglag ang nakatapal na pipino sa aking mga mata ngunit maya't maya ko naman itong ibinabalik. Di ako mapakali sa trabahong ibinigay sa akin ni labsey. Nagpupumiglas sa rebelyon at selos ang aking dibdib.

Bumalikwas ako ng bangon. Nalaglag ulit ang mga pipino sabay napabuga ako ng malakas na hinga.

"Ahh!" Sinabunutan ko ang sarili at ginusot ang aking buhok. "Bakit ka ba pumayag Tintin?!" nagpapadyak na wika ko.

Pinag-aralan niya ang hitsura ko. Inutusan niya akong magpaganda. Tinanong niya kung romantic ako. Kung nagkaboyfriend na ako o kung nainlove na ako. Sa tingin niyo ano ang iaassume ko? Nabasa ko na ang ganitong mga moments sa mga romance novels. Eto yung mga eksenang oofferan ng gwapong amo ang secretary niya na maging pekeng girlfriend, pekeng date, pekeng asawa o kung anumang mga kapekehan! At siyempre ang pinaksweet ang inexpect ko...yung maging pekeng girlfriend.

Pero anong kinahantungan ng expectations ko?! Takte! Magiging isang hamak pala akong lovelife coordinator ng lalaking pinapangarap ko! 

Taga-sala ng mga dates niya. Taga-kilatis ng mga babae. Taga-takip at taga-hanap ng magandang palusot sa mga flings. Taga-schedule ng mga alok na dates ng parents at mga kaibigan niya. Taga-isip ng romantic ideas sa mga babaeng magugustuhan niya. Taga-ligaw pag busy siya. Sa madaling salita taga-tanggap ng kahit anong punyal na babaon sa dibdib ko.

Kaya pala gusto niya akong gumanda para hindi ako nakakahiya paghumarap sa mga babae niya. Gusto niya rin daw akong magmukhang tao pag nasa tabi niya. Ang lakas ng trip niyang magpaasa ha?! Akalain mo nga naman pangarap kong maging isang public administrator balang araw pero ang nangyari sa kauna-unahang job training ko ay heart administrator ang kinabagsakan ko.

Argh! Bakit nga ba hindi ako nakatanggi?

Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga at tumitig sa kisame. Martir at tanga lang ang peg? Pero hindi rin. Ang laki kaya ng offer niyang sweldo. Bibigyan niya daw ako ng thirty five thousand a month pwera pa sa mga extra allowances. Sa lagay, mag-iinarte pa ba ako? Most importantly, chance ko na kaya ito para mas lalong mapalapit sa kanya. Imagine hawak ko ang personal na buhay niya. Ibig sabihin, malamang na maraming oras ang iispend niya sa akin. Siyempre magrereport ako sa kanya lagi. Sabi pa nga niya na mapapadalas ako sa tabi niya kaya nga gusto niya akong magmukhang sosyal. Okay na rin. Ika nga sa two wives, 'huwag kang bitter!'. See the brighter side of life.

Tanggap ko namang  wala  pa ako sa talampakan ng standard niya sa mga babae. Kaya hahayaan ko muna ang mahal ko na pansamantalang mapunta sa iba. Pero siyempre bilang nagmamahal at totoong nagmamalasakit sa kanya, kailangan ang mapunta sa kanya ay ang pinakaworth it na babae. Yung pwedeng pantayan at higitan pa ang pagmamahal ko. Sasalain kong mabuti ang lahat ng mga babaeng dadaan sa kanya. Pipiliin at irerekomenda ko yung hinding-hindi siya sasaktan. At pagready na ako, saka ko babawiin ang pusong ako ang totoong dapat na magmay-ari.

Fighting Tintin!

Mataas pa rin ang adrenaline rush ko kung kaya't bumangon ako sa kama. Binuksan ko ang aking laptop. I have to work on my first assignment. It's his date for tomorrow night. Ano nga ba ang pangalan nung babae... ah Marjorie Theresa Zamora. Anak daw ito ni Congressman Zamora.

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon