Epilogue

104K 3.7K 605
                                    



Lance Oliver Perez

Lumabas ako mula shower. I was all alone in our room. Napangiti ako nang makita ang aking malinis at plantsadong-plantsadong mga damit sa ibabaw ng kama. The long sleeves, inside shirt, pants, underwear, tie, handkerchief and socks. Tahimik akong nagbihis. Napapasinghot nang malalim habang inaamoy ang bango ng ginigisang bawang at sibuyas na humalimuyak sa buong kabahayan. Maya-maya pa bahagyang naging mausok. I guessed something was burning again.

"Delilaaaaaaahhh!"

"Yissss atiii coming!"

"Yung pinababantayan ko sayooo!"

"Ay soriiii atiii may nagtext kasi!"

Ngingiti-ngiting itinuloy ko ang pagbibihis at kumibit-balikat, just one of those regular commotions in the kitchen. I went to the mirror. Folded my sleeves, wore the tie and fixed my hair with small amount of wax. I was about to spray perfume pero agad na tumigil nang maalalang ayaw ng aking misis na makaamoy ng anumang pabango. Kinuha ko ang aking attache case saka lumabas ng kuwarto.

I passed by the living room. Napakalinis nito. Everything was on proper place. Tila wala ni isa mang alikabok. Makintab ang sahig ganun din ang mga furnitures. Napatingin ako sa kusina at saglit na huminto. Ilang sandali munang pinagmasdan ang mga eksena doon.

"Delilah, ilabas mo na nga yung pinalamig kong graham cake!"

"Keri ati!"

"Ay huwag na lang muna. Hindi nga pala kumakain ng sweets sa umaga si labsey. Ilabas mo na lang yung juicer at kumuha ka ng grapefruit sa ref. Extract mo na bilis at mamaya-maya lang ay bababa na yung kuya mo!"

"Oki atii!"

"Ay huwag na grapefruit, kiwi na lang!"

"Anu ba ati?! Nakukumpyus na ang beauty ko sayu!"

" Final na grapefruit na lang."

I chuckled at the sight of my wife who seemed to be in panic by merely setting the table. Ganoon siya lagi sa umaga tila laging nagmamadali sapagkat napakaraming gustong gawin. Subalit medyo hirap na siyang kumilos dahil malaki na ang kanyang tiyan. Isang buwan na lang ay kabuwanan niya na.

"Ano na namang kaguluhan to?" I said while approaching the dining table.

Natigilan si Tintin at pagkuway ngumiti ng abot tenga. " Hi Labseey! Good morning! Halika na magbreakfast ka na! Nagluto ako ng sausage omelette, fried rice, chicken garlic adobo at ang iyong paboritong relyenong bangus!" Inabot sa kanya ni Delilah ang juice. " And here's your daily dose of fresh juice!"

Inilapag ko sa silya ang aking attache case. Lumapit ako sa aking maasikasong misis at hinalikan ko sa pisngi. "Good morning!"

"Ew labsey hindi pa ako naliligo. Ang baho ko pa!"

Kunway nagsalubong ang akong kilay. "Sinong may sabing mabaho ka? Nagpapahalik ka ba sa iba ha?" gigil na sabi ko sabay pinupog ko siya ng halik sa leeg.

"Eeii teka lang labsey! Tama na baka madumihan yang damit mo!" Tumigil ako sa paghalik at humarap siya sa akin. Bumuntong-hininga ako at tumayo nang maayos. Oras na ng inspeksiyon bago pumasok ng trabaho. She checked my hair, my face if properly shaved,my clothes and down to my shoes. Bahagyang inayos niya ang aking necktie.

"Tabingi," sambit niya sabay inamoy ang aking dibdib. "Hmmm... ang bango ng asawa ko!"

"I didn't spray anything,"taka ko.

"Kaya nga mabango eh," ngiti niya. "Halika kain na tayo... Delilah sumabay ka na!"

"Litir na ate bantayan ko lang muna yung nakasalang na niluluto mo!"

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon