Chapter Twenty-Four (For all it's Worth) <3

58 1 1
                                    

YANO’S POV

Dalawang buwan din ang lumipas matapos iyong island getaway naming lahat sa Palawan at ang kasal namin doon. Buhat noong mga panahon ngayon ay mas lalo akong naging maingat sa pagtrato ko sa kanya at sa pag aalaga sa kanya.

This past few days ay palagi kaming masaya ni Sab na parang wala kaming problemang hinaharap. I treated her as how a king should treat her queen. Pinagluluto ko siya palagi ng pagkain at palagi ko siyang dinidate sa labas.

Normal na rin ulit ang usad ng mga buhay ng bawat isa maliban sa aming dalawa. Heto ako ngayon nagdadrive patungo sa opisina ko.

Si Sab naman ay nasa bahay parin natutulog pa. Hindi ko na siya ginising pa dahil alam kong napagod siya. Agad akong nag-ayos ng sarili ko at nagbyahe papuntang office dahil may importante akong imemeet na client ng company.

Habang nagmamaneho ako ay sumagi bigla sa isip ko ang mga nangyari noong nasa Palawan pa kami. Iyong araw na sinubukan kong maging mabuting asawa na sa kanya.

<<<FLASHBACK

Pagdating ko sa suite namin ay naabutan ko siyang himbing na himbing parin ang tulog ng mga oras na iyon. Hindi ko naman siya masisi dahil alam kong napagod siya.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos haplos ko ang buhok niya. Sinubukan ko siyang kausapin kahit natutulog pa siya.

“Honestly Sab, hindi ko na alam kung ano ba dapat kong gawin sayo, hindi ko alam kung paano ba kita itatrato pagkatapos ng lahat. Nahihiya na ako sayo alam mo ba iyon?.”

Habang busy ako sa paghaplos ng buhok niya ay narinig ko namang tumunog ang phone niya. Pagtingin ko sa screen ay si Dr. Mendrez pala ang tumawag. Hindi ko kaagad nasagot nang tumunog siya ulit at ngayon ay isang text naman ang dumating.

Alam kong masamang makialam ng isang bagay na hindi sayo at hindi ko ugali ang ganoon pero hindi ko alam kung bakit may nagtutulak sa akin na basahin kung ano man ang nilalaman ng message na iyon.

At laking gulat ko ng nabasa ko ang text ng doctor sa kanya na halos nagpakirot ng puso ko.

“Don’t skip your medications SAb ok? Iyong mga gamot mo huwag mong kalimutang inumin. You have to do that if you don’t want me to spill the beans. Do it for those person na nagmamahal sayo ok? Im with you and please don’t neglect to inform me your condition everyday para mamonitor kita.”

Hindi ko halos maintindihan kung para saan iyong sinasabi ng doctor sa kanya. Naguguluhan ang utak ko at hindi ako makapagisip ng maayos kaya minabuti kong tawagan si Dr. Mendrez para iklaro ang lahat.

Sinagot niya kaagad ang tawag ko.

“OH Sab! How’s your condition?”

“This is Yano, Dr. Mendrez. Sab is currently sleeping right now.”

“Oh  - Yano. Bakit nasa iyo ang phone ni SAb?”

Halata ko ang gulat sa boses ng doctor ng makilala niya kung sino ako.

“Hindi na po mahalaga iyon.  The reason why I called is to clarify your message to my wife. Wala naman siyang sakit diba? So what was that for?” malumanay kong tanong sa kanya.

“Im so sorry Mr. Flinch pero wala ako sa lugar para magsabi sainyo ng kahit ano. Nangako ako sa asawa niyong wala kong sasabihin. Hintayin niyo nalang po na siya mismo ang magsabi niyan sayo.”

Halos nagpagting ang tenga ko sa narinig ko sa sinabi niya sa akin kaya hindi ko mapigilang ang emosyon kong maghari. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari kaya sobrang naguguluhan ako.

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Where stories live. Discover now