Chapter Six (For all it's worth)

133 7 3
                                    

>>>AUTHOR'S NOTE:

Last update ko for today..^__________^ Sana po magustuhan niyo.. :)  REVELATIONS NA PO karamihan.ahahahahha.. :)

---------

i want to dedicate this UD to Bookworm_jlliza09 ! ^_^ hahahahaenjoy reading..^_________________^

 ===============================================

 Ang sakit!  Nakita ko si Yano at si Yuri na naghahalikan. Parang sinaksak yung puso ko sa nakita ko. Hindi pwede to! Ako ang fiancée! Dapat Ako lang! Susugod na sana ako pero bigla kong naisip na pag ginawa ko yun alam kong mas palalalain ko lang ang sitwasyon.

Mas binibigyan ko lang si yano ng dahilan para kamuhian niya ako at ayokong mangyari yun. Saka na lang ako magiging overprotective pag talagang kasal na kami. Yun nga lang pag atras ko ay nasagi ko ang isang trash bin sa likod ko na naging rason para makagawa ako ng ingay.

Hindi ko na itinuloy ang pag punta ko sa Powder Room at tinungo ko na ang daan palabas ng hotel. Pagdating ko dun ay hindi ko na naabutan ang mga kasama ko. Nauna nadin siguro.

Tumakbo ako papuntang parking lot at pinuntahan ang kotse kong nakapark. Dali-dali akong sumakay at pinaharurot ang kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at malayo layo narin ang naibyahe ko hangang sa nakarating na lang ako sa isang lugar na malayo na pala sa ingay ng siyudad.

Tinigil ko ang sasakyan ko sa isang parke na halos wala ng katao-tao.

Umupo ako sa may swing at dinuyan ko ang sarili ko dun. Kung susuriin mo ay para akong batang animoy napagkaitan ng kamusmusan.

Naglaro lang ako dun mag isa. Para akong tanga dito. Nakakatawa. Nung napagod na ako kakalaro ay humiga ako sa isang damuhan. Pinikit ko ang mga mata ko at sinamsam ang sarap na dulot ng malamig na hangin.

Sa sobrang sarap ng pagkakahiga ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Kung hindi lang dahil sa ingay na nadidinig ko ay hindi ako magigising. Bigla akong nagtaka kung bakit maingay sa paligid.

E sa pagkakatanda ko eh wala ng katao-tao sa lugar na to kanina ah. Halos alas tres na din ng madaling araw kaya imposibleng may mga taong madadaan pa dito. Maliban nalang kung lasing din.

 Agad akong nakaramdam ng kaba sa pagdududang baka lasing na tao nga ang nadidinig ko. Biglang nabuhay ang takot sa  dibdib ko na huli kong naramdaman sampong taon na ang nakakaraan.

“Pare Huwag kang maingay. Baka marinig tayo ng magandang dilag na to. Shhh. Quiet ka lang. “ usal ng isang boses.

“Onga pare. Tignan mo ang kinis ng kutis.. parang labanos. SSssrrrrrrrppp! Ang sarap niyan panigurado. “ ikalawang boses.

“Kung sinuswerte ka nga naman. Hahahah” ikatlong boses.

Inaatake na ako ng sobrang kaba. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dito. LORD PLEASE HELP ME. Mahina kong usal sa sarili ko. Naku naman kasi SAB eH! Matutulog ka na nga lang sa damuhan pa at sa hindi mo pa bahay!

Haist. Anong gagawin ko. nagpapanic na ang utak ko. HUmanap muna ako ng tyempo at tatakas nalang ako pag ngkataon. Mabuti nalang nakatalikod ang mga lasing na to sa kin. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa nila pero ang alam ko lang kailangan ko ng makaalis dito.

Dahan dahan akong tumayo sa sa kinahihigaan ko at dali daling tumakbo. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nasagi ko ang trashbin sa gilid ng park dahilan para makagawa ako ng ingay at makuha ko ang atensiyon ng mga lasing.

“SHIT SABRINA!ANG CLUMSY MO TALAGA!TRASHBIN NA NAMAN?URGH! Takbo na Sabrina bilisan mo.” para akong tangang kinakausap ang sarili ko.

“Pare tumatakas ang babae, hahabulin ba natin?” usal ng isa.

CASCADES (For all it's Worth) <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon