Final Chapter (For all it's Worth) FIN <3

77 2 3
                                    

AUTHOR’S NOTE: <3

>> This is it guys. THE FINAL CHAPTER.. hope you enjoy this. Ang kasunod nito ay EPILOUGE AT ISANG VERY / SPECIAL IMPORTANT ANNOUNCEMENT.

===============

This update is dedicated to MYSELF.Yes to myself nga. I want to give myself a treat dahil sa wakas ay nabigyan ko din ang ending ang una story ng CASCADES ko. Super mega saya ko. Maraming salamat sa inyo!

===================================================

SAB’S POV

Pagkatapos kong magsalita ay agad ko siyang iniwan sa kinatatayuan niya. Sobrang sakit ng puso ko na pakiramdam ko para siyang hinihiwa ng paulit ulit hangan sa dumugo ito.

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak kahit na sobrang sakit na ng dibdib ko sa pagpipigil dahil ayoko ng maging mahina sa harapan niya. Pagod na Pagod na ako at ang sakit sakit na.

Habang papalayo ang mga paa ko sa kanya ay umaasa parin ang puso ko na hahabulin niya ako pero nagkamali ako. Hangan sa tuluyan na akong nakasakay ng sasakyan ko at nakaalis sa lugar na iyon.

The moment I step out of that house is the moment my tears began falling. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng mga oras na ito. Sumakay lang ako ng taxi at nagpatigil ako sa bahay na tinutuluyan namin ni Yano.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay. Agad akong pumasok sa loob at kinuha ang mga damit ko at inilagay sa maleta ko.

Pinasok ko na sa maleta ang mga dapat kong itago. Ang iba ay ipapakuha ko nalang siguro sa katulong. Pagbukas ko ng drawer ko ay nakita ko ang ticket sa cruise na niregalo sa akin ng bestfriend ko.

Buhat doon, nagkaroon ako ng idea kung saan ako pupunta.

“Kailangan ko muna sigurong magpalamig. Haist” pagkakausap ko sa sarili ko habang patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko.

Katabi ng cruise ticket na iyon ay ang wedding picture naming dalawa ni yano. Kaya hindi ko maiwasang masaktan sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko.

“Baby pasensiya ka na ha? Hindi na kasi kaya ni mommy eh. Pagod na pagod na ako. Ok lang naman siguro kahit tayong dalawa lang muna  hindi ba? Huwag kang mag alala, hindi naman kita pababayaan eh. Kumapit ka lang ha? Huwag mo iiwan si mommy. Ikaw nalang ang natitira sa akin ngayon at hindi ko kakayanin kong pati ikaw mawawala pa. tska hindi naman kita ilalayo ng matagal sa daddy mo eh. Alam ko naman kasi ang pakiramdam na walang ama kaya ayokong maranasan mo iyon. Pansamantala lang ha?” umiiyak akong kinakausap ang bata sa loob ng sinapupunan ko.

Matapos kong maayos ang mga dapat kong maayos ay nagiwan ako ng isang note sa mesa bago ako umalis.

Habang sinusulat ko iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili kong malungkot dahil hangang doon nalang talaga kami.

Kailangan ko naman sigurong mahalin ang sarili ko. Maging matatag na harapan ang bukas ko na wala na siya sa tabi ko.

Sa pag alis ko ay hindi ko na dinala ang kotse ko. Pumara ako ng taxi sa labas ng subdivision at dahan dahan akong sumakay.

Sa pag alis ko sa lugar na iyon ay dala dala ko ang pag asa na makakatayo muli ako sa pagbabalik ko. Na hindi na muli akong  makakaramdam ng sakit tulad ng nararamdaman ko ngayon.

Dumaan ako ng simbahan bago ako tumuloy sa port kung saan sasakay ako sa cruise ship na binigay sa akin ni Charry.

Pagdating ko sa simbahan ay taimtim akong nagdasal. Pinagdarasal ko na sana makayanan ko ang lahat lahat ng pagsubok na darating sa buhay ko.

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon