Chapter Seventeen (For all it's Worth)

122 7 6
                                    

AUTHOR'S NOTE <3

>> HI guys! i just wanted to say thank you so much for supporting this story. 

FOr my new readers na kakalagay lang ng story na to sa mga REading List nila Maraming maraming thank you.

Sana magkaroon ako ng chance na makilala kayong lahat para makapagpasalamat naman ako ng personal.

By the way i dedicate this chapter to Nicole Yatsushiro: ang napaka cute na bata na sobrang bait sa akin.  Sana maenjoy mo ito. 

-=========================================================================

SAB’s POV

I am now here. I’ll protect you and no one will harm you again.”

I am now here. I’ll protect you and no one will harm you again.”

I am now here. I’ll protect you and no one will harm you again.”

Yan ang mga salitang paulit ulit na bumabalik balik sa isipin ko. Alam kong nahimatay ako kanina at nasa kalaliman ako ng aking pagtulog ng maramdaman kong may humalik sa labi ko.

Hindi ko magawang kumilos dahil biglang nanigas ang katawan ko. Lalo na ng marinig ko ang boses ng ng isang lalaking na pamilyar pamilyar sa akin. Ramdam na ramdam ko ang presensiya niya.

Dahil na rin sa nahihiya ako sa ginawa niya ay nagkunwari nalang akong natutulog at wala paring malay. Hinawi niya ang buhok ko at hinawakan ang kamay ko saka siya nagsalita ulit.

“Magpagaling ka SAb! Hindi ako sanay na nakikita kang mahina! Hangang sa abot ng makakaya ko, Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka! No one can harm you again. That’s a promise!”

Sobrang nanlambot ang puso ko sa mga narinig kong sinabi sa akin ni Yano. Hearing those words makes me feel safe and loved. Pakiramdam ko lahat ng mga paghihirap ko, mga sakit na naranasan ko dahil sa mga rejections niya sa akin ay napawi nang lahat at dahil doon ay iminulat ko na ang mga mata ko.. pero wrong move dahil hindi ko ineexpect na hahalikan pala niya ako sa noo.

Magkalapit ang mga mukha naming dalawa pakiramdam ko’y sobrang init na ng mukha ko at ang pula pula na. Nakaramdam ako ng sobrang pagkakapahiya kaya imbis na makipagtitigan ako sa kanya ay ako na ang naunang lumayo ng tingin.

“Ya- Yano? Anong ginagawa mo?” nahihiyang usal ko.

“Ha? Ah, eh, wala! Sige maiwan muna kita dito! lalabas muna ako! Si – sige!” tarantang usal niya.

Matapos niyang magpaalam ay lumabas kaagad siya ng kwarto ko. Hindi man lang niya ako halos hinintay pang magsalita.

Pagkaalis na pagkaalis niya ay sakto naming pagdating ni Charry. Hinagkan niya ako sa magkabilang pisnge at niyakap niya din ako ng mahigpit.

“ULK! Beshy indi ko makaynga” nahihirapan kong usal dahil sa higpit ng yakap na iginawad sa akin ng bespren ko.

“huwag na huwag mo na akong tatakutin ulit ha!” maluha luha niyang sabi sa akin.

Sa wakas niluwagan niya rin ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Pero nanatili parin siyang nakaakap sa akin habang nagsasalita. Ramdam ko ang pag iyak niya habang sinasabi niya sa akin ang mga katagang iyon.

Ramdam ko rin ang tindi ng pag-aalala niya sa akin dahil sa ginawa niya. Sobra akong na touch dahil mahal na mahal ako ng bestfriend ko. Para maging light ang sorroundings ay nagbiro na lang ako.

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα