Chapter Thirteen (For all it's worth)

146 9 9
                                    

AUTHOR'S NOTE <3  

Sa lahat po ng nagbabasa ng CASCADES ko.. Maraming maraming salamat po. From the bottom of my heart..

THank you so much! Happy 1K po sa atin..hindi niyo po alam kung gaano niyo po ako pinasaya ngayon! Sana po huwag kayong magsawang suportahan ang storyang ito hangang sa huli..

---

I dedicate this update sa bago kong kapatid.. Megumi! hi sayo blueberrypie! :)

Naway magenjoy po kayo sa update ko! ^_^

====================================================

YANO’s POV

Pagkarinig ko na nasa panganib na naman ulit ang buhay ni SAB ay agad akong umalis ng simbahan, sumakay ako agad ng kotse ko at nagtungo agad ako sa hotel kung saan inayusan ang aking mapapangasawa.

Nabigla ako sa sarili ko ng naisusal ko mismo ang mga salitang yun samantalang nitong nakaraang araw, galit ako sa kanya dahil sa pag-iwan sa akin ni Yuri. Sobrang nasaktan ako ng pagalis niya at sa pagdesisyon na tapusin na ang lahat lahat sa amin.

Halos gabi gabi akong naglalasing para makalimutan lang itong nararamdaman kong sakit, Hindi ko naman sinasadyang malate sa kasal na to eh, sadyang sobrang nalango lang ako sa alak nung nagdaang gabi at hindi ko na namalayan ang oras ng pagising ko.

Tandang tanda ko pa ang huling mga sinabi sa akin ni Yuri bago siya umalis at hangang ngayon na andito parin ang sakit. Nalulungkot ako sa kinahinatnan ng aming relasyon. Biglang nagflashback lahat sa isip ko ang nangyari habang ako ay nasa kalagitnaan ng aking pagmamaneho.

FLASHBACK

Dinala ko si Yuri sa isang lugar na palagi naming pinupuntahan ng mga bata pa kami. At sobrang ikinabigla niya yun dahil hindi niya akalain na dito mismo sa lugar na ito ko siya dadalhin. Ito ang lugar kung saan unang nagkrus ang landas namin at naging magkaibigan kami sa unang pagkakataon.

Dito rin niya ako sinagot nung nililigawan ko pa siya noon. Nakita kong sobrang galak sa mukha niya na kalaunan ay napalitan ng pait at sakit sa damdamin.

“Bakit mo ako dinala dito Yano?” mangiyak ngiyak niyang sabi.”

“Sobrang espesyal sa akin ang lugar na to Yuri. Natatandaan mo ba tong lugar na ito?”

“Hindi mo na dapat ako dinala dito. Sinasaktan lang natin ang mga sarili natin.”

Halos wala akong maisagot sa sinabi niya at ang tanging nagawa ko lang ay yakapin siya ng sobrang higpit ng mga oras na yun.

“Kahit ngayon lang Yuri, hayaan mo namang maging Masaya tayong dalawa kahit sa huling pagkakataon.”

“Pero mali to Yano. Ikakasal ka na at sa kapatid ko pa! Ayokong masaktan ko siya ulit, ayoko ng makita ang mga pait at sakit sa mga mata ng kakambal ko.”

“Pero paano tayo?” mangiyak ngiyak ko ding sabi.”

“Wala ng tayo Yano, simula nang ayain mo ng kasal ang kakambal ko, mula noon, natapos narin ang tayo.”

“Ilang ulit ko bang dapat ipaliwanag sayo na hindi ko nga siya inaya ng kasal. Lahat ng nangyari ay pawang pakana ni SAB. Hindi ko to ginusto.”

“Nangyari na ang dapat mangyari Yano. Wala na tayong magagawa para baguhin yun.”

“Lumayo tayo Yuri, sumama ka sa akin. Magpakalayo layo tayo. Runaway with me.”

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Where stories live. Discover now