Chapter Three (for all it's worth)

180 10 12
                                    

>>>AUTHOR'S NOTE:

hello guys! update ako ulit ngayon..^______________^

Miss sunrise dhorzy this is for you..^_____________^

Enjoy reading..>0<

Thank you pala sa mga nagvotes and nag comments nung nakaraang updateko.

====================================================================

FASHION EVENT

Today’s the Big Day of my friend Akieko. I am here at the lobby of the hotel ng pagdadausan ng fashion event. If you’re wondering what the hell am I doing here?!

Well hinihintay ko lang naman ang magaling kong fiancée.

Ang galling diba?! Halos umusok na iyong ilong ko at namumuti na yung mata ko sa kahihintay!

Pero ni anino ng Yanong yun ay wala parin!hindi parin dumarating!

“Naku kung hindi ko lang talaga naiwan iyong damit na yun sa condo ni Yano e di sana hindi ako naghihintay dito ngayon! GRRRR! Asan na ba kasi ang taong yun? Maya maya magsisimula na ang event!  Im a dead meat nito kay Akeiko pag nagkataon. Tsk!”

Habang buwiset na buwiset ako kay Yano bigla namang nagbalik tanaw sa isip ko yung nangyari nung isang araw.

………

It was almost late pero naisipan kong magdrop by sa condo unit ni Yano habang bitbit ko parin yung mga damit na binigay sa akin ni akeiko na gagamitin sa event sa susunod na araw.

Kung itatanong niyo bakit ako andito, well simple lang..

Gusto ko lang mang inis.

Hindi kasi ako makatulog ng di ko muna siya nakikita at naiinis.

Ewan ko ba pero feeling ko kasi kulang yung araw ko pag alam niyo na!haha..

Pagdating na pagdating ko sa condo niya, hindi na ako kumatok pa.

Binuksan ko ka agad ang pinto at nagtuloy-tuloy sa loob.

Inilapag ko muna sa sofa ang damit na dala ko.

 Babalikan ko nalang yun mamaya pag uwi ko.

Halata mo talagang isang bachelor ang nag oocupy ng unit na to. Yung mga furnitures kasing gamit niya ngpapahalat ng masculinity niya.

Pati ang amoy ng unit at interior ng unit lalaking lalake.

Infairness kahit lalake siya, napaka organize niya sa mga gamit niya. Hindi siya yung typical na lalaking magulo sa gamit at burara.

That’s one thing I adore in him.

Napansin kong wala siya sa living room ng unit niya kaya kagad akong nagtungo sa kwarto niya. Akala ko siya ang mabibigla sa pagdating ko. Yun pala kabaliktaran ang mangyayari.

Hindi si Yano ang nakita kong nakahiga sa bed niya.

Kundi isang babeng hindi ko naman kilala. Gosh halatang walang saplot na napapaloob sa ilalim ng kumot na ipinambalot niya sa sarili niya.

Narinig ko din ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa bathroom. Halatang may tao sa loob.

I grab the chance para paalisin ang babae sa loob ng kwarto niya. Jeez Nakakapang init  naman ng ulo to!

Halata kong nabigla din yung babae nung nakita niya akong pumasok na lang bigla ng walang pakundangan sa loob.

Nilapatin ko kagad yung babae at ginawa ang dapat kong gawin.Ginamit ko ang pagkabigla niyang yun para sampalin siya.

CASCADES (For all it's Worth) &lt;3Where stories live. Discover now