Ch. 45: OCTOBER 13th ♥

435 10 0
                                    

Chapter 45: OCTOBER 13th ♥

[Ysabel's POV]

"Bakit ka naman papupuntahin nung Alyssa na yun sa ganun lugar ha?"

Kasama ko ngayon si Yanx dito sa condo habang nag-aayos ako dahil magkikita kami ni Alyssa. Hindi rin clear sakin kung bakit kami magkikita.

Wala naman siyang alam diba? Diba?

"Hindi ko alam."

"But you're still going?"

"Yea. I need to."

"Need?"

Umupo ako sa tabi ni Yanx sa couchat humawak sa braso niya.

"Yanx, gusto ko agawin sakanya si Jelo. Yanx..."

"mahal mo siya? masaya ka sakanya? di mo kayang mabuhay ng wala siya?"

"EXACTLY!"

"Ashuu. Landi mo!" - pabiro'ng sabi ni Yanx at inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya.

Ngumiti ako sakanya. "Eh kasi naman eh... Ang sweet sweet ng lalaking yun."

"Che. Oo nga pala, speaking of sweet. Asan yung sweet mo'ng best friend?" - tumayo na kami dahil aalis na ako at hindi naman pwede'ng maiwan sya dito sa condo.

"Ewan ko dun. Di nagpaparamdam." - sinuot ko na ang nude colored doll shoes na bagay na bagay sa suot ko'ng floral high-waisted shorts at black na sleeveless.

"Nagseselos."

"Huh? San naman?"

"Kay Jelo. Hello? Kanino pa ba?"

"Yanx, ba't naman yun magseselos dun. Alam niya naman na since birth gusto'ng gusto ko na si Jelo." - pangangatwiran ko pa.

"Yun nga eh."

"Ha?" - di ko sya masyado narinig.

"Sabi ko baka hinihintay ka na ng karibal mo. Bilisan mo. Pa-VIP ka eh."

Nakarating na kami ni Yanx sa parking lot. Sumakay kami sa kotse niya. Ihahatid niya daw ako palabas. Tapos magtaxi na lang daw ako. You know. Bawal nga kasi ako magdrive. Sino'ng kawawa? Ako yon! >___<

"Maganda ka na!" - awat ni Yanx sakin kasi kanina pa ako nagaayos ng buhok at naglilipgloss sa harap ng rear mirror.

"Hahaha. Sorry naman ha."

Bumaba na ako mula sa kotse ni Yanx, nagpaalam at nagpasalamat sakanya. Hindi rin nagtagal ay nakasakay ako sa taxi at binigay ang address kung saan kami magkikita ni Alyssa.

Habang nasa loob ng taxi, di ko mapigilan isipin kung bakit sinabi ni Alyssa na maghanda ako sa pagkikita namin. 

Imposible naman na may alam sya diba? Tsaka wait... ano ba'ng malalaman niya?

Na may fling kami ni Jelo ganon? Buti sana kung yun lang.. but what if...

What if...

SH*T. Ayoko ng isipin kung alam niyang wala ako'ng Amnesia. Tae. Just the thought na alam niya, naiiyak na ako.

Nakarating din ako dun sa address na binigay niya. Isa palang coffeeshop pero tago. Sayang tuloy yung effort ko magdamit ng maganda. Sana nagpangbahay nalang ako. 

Kasi as in, tago talaga yung lugar.

Pumasok na ako sa loob ng coffeeshop at inilibot ang mga mata ko. Wala pa si Alyssa. 

Dun na lang ako umupo sa pinakamalapit sa pinto para makita niya agad ako.

After a few minutes ay dumating na rin naman sya with a smirk on her face. And with that, kinabahan na ako agad. 

My Sweet BlackmailerWhere stories live. Discover now