Ch. 43 - Don't Change

619 12 10
                                    

Guys! Sorry po ngayon lang ulit nakapag-update. Isang buwan na ba? HAHA. Busy kasi eh. College. Alam nyo na. :)) Buti nga't walang pasok, ayan. Eto, NAKAPAG-UPDATE. Babawi talaga kami, readers. :)

Anyways, ENJOY. KEEP SUPPORTING.

-TTT <3

**********************************

CHAPTER 43 - DON'T CHANGE

' YSABEL'S POV

Grabe. Can this day get any better? Ang saya saya ko. I spent the whole day with Jelo. Tapos pinaalala pa nya saken yung mga memories namin together. Sana nga masabi ko na sa kanya na all this time wala akong amnesia, pero ayaw talagang lumabas sa bibig ko eh. Para bang may pumipigil saking sabihin 'to sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, at hindi ko alam kung pano. Hay, pero bahala na. Ang importante yung ngayon. Ngayon na magkasama kami ng mahal ko. 

Palabas na kami ng school, magka-holding hands pa rin.

"Ayaw mo talagang bitawan kamay ko noh?" - nginitian ko sya, at napatingin sya sakin

"Pagbigyan mo na ko. Minsan lang kasi tayo ganito eh." - lalong humigpit ang hawak nya sa kamay ko

"Ganito nalang kasi tayo palagi." - yun ang lumabas sa bibig ko

"Oh sige! Sabi mo eh." - ngumiti sya, pero hindi na sya nakatingin saken "Tara na, iuuwi na kita. Alam kong pagod ka na." - inalis nya yung pagkahawak sa kamay ko at umakbay sya saken

"Let's go."

Naglakad na kami papuntang parking at buti nalang ay naisipan na nyang umuwi kasi tama sya. Pagod na ko. HAHA. Ang dami kaya naming pinuntahan ngayong araw. Pero parang hindi ko nga dama yung pagod eh. Alam mo yon, kasi kasama mo yung mahal mo. 

' JELO'S POV

Ayoko pa man matapos ang araw na 'to, pero gabi na. Alam kong kailangan na ring magpahinga ni Ysabel. Kahit mala-superwoman 'tong babaeng 'to eh kailangan din nyang magpahinga. Kaya iuuwi ko na sya. 

Tahimik kaming parehas sa sasakyan. Hindi ko na sya kinulit kasi alam kong medyo inaantok na sya eh. Kaya hinayaan ko nalang. Nagpatugtog nalang ako.

(PLAY THE VIDEO ON THE SIDE)

I'll love you when your hair turns gray girl

I still want you if you gained a little weight, yeah

The way I feel for you will always be the same

Just as long as your love don't change (no)

I was meant for you and you we're meant for me, yeah

And I make sure that I'll be everything you need, Yeah

Girl the way we are is how it's gonna be

Just as long as your love don't change

"Talaga? You'll still love me when my hair turns gray? Hahaha." - bigla syang nagsalita

"Oo naman. Even if you gain a little weight pa nga eh." - sagot ko. Alam nyo ba, lately eh naging sobrang LSS ako sa kantang 'to, eh naisip ko na bagay na bagay na kanta para kay Ysabel, kaya yon nalang pinatugtog ko.

"Kahit magmukang bakokang na ko?" - tawa sya ng tawa "HAHAHAHAHA!"

"Kahit maging alipunga ka pa. HAHAHAHA." - ang babaliw lang namin eh

My Sweet BlackmailerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon