Ch. 42: I Love You.

637 8 8
                                    

Sorry po. Biglaan na update lang po ito. Sorry po sa typo at sa mga grammar errors. Churi. 

Anyway, dedicated sa katropa namin.

Dahil miss na miss ko na siya.

We love you, Kiza :)

--- TTT<3

Chapter 42 : I Love You.

'YSABEL'S POV

"Malapit na ba?"

"Oo. Be patient will you?"

"Naeexcite kasi ako. Hindi ko alam kung bakit ba natin ito ginagawa." Ang sinungaling ko talaga. Hindi daw alam. Syempre alam ko no.

He planned the whole day para lang ipaalala sakin ang lahat na kahit kailangan ay hindi ko naman makakalimutan. 

"We're here." sabi niya maya-maya rin.

Tumingin agad ako sa labas. Habang inaalis ko ang seatbelt ko, hindi ko mapigilan ang pagngiti. Mapupunit na ata ang panga ko kakangiti.

"Siguro naman tanda mo to'ng lugar na ito kasi ako lang naman ang nakalimutan mo." sabi niya kaya napatingin ako sakanya.

Ngumiti ako bilang sagot.

Inalalayan niya ako bumaba at pumasok na kami...

Grabe... 2 years na ba ang nakakalipas? Parang wala'ng nagbago. Ganon parin yung simoy ng hangin dito.

Naaalala ko tuloy yung mga nangyayari dito --- dito sa International State High.

Naglakad kami ni Jelo papasok. Bukas yung gate ng school...

Anlamig ng simoy ng hangin pero nahuhulog din ang mga tuyo'ng dahon ng malaking puno dito sa school.

Naglakad kami papasok. Wala ata'ng pasok... Nadadaanan namin ang corridors at mga lockers at ang hallway...

Lahat mg mga ala-ala.

Wala'ng naimik saming dalawa. Pakiramdam ko'y parehas kami ng iniisip...

Nagsalita siya'ng bigla. "Alam mo ba, dito sa hallway na 'to nabangga ka ni Krissy nung first day. Ako yung kasama niya'ng lalaki non." sabi niya habang nakapamulsa sa backpockets niya.

"Alam ko. Ang sungit mo nga eh." pero hindi yan ang sinabi ko. Baka mabuko pa ako no.

My Sweet BlackmailerWhere stories live. Discover now