Ch. 28: Ang Bagong Buhay.... Jelo's Part

706 9 15
                                    

Chapter 28: Ang Bagong Buhay.... Jelo's Part

'JELO'S POV

"Goodmorning..." sabi ni Allysa na may kasama pa'ng pagsampa at pagkurot sa pisngi ko para magising ako.

"Hmmm..."

"Gising na. Nagluto ako ng breakfast." makulit na sabi niya

"Tara na." dagdag pa nya at hinigit niya na ako papatayo.

"uhhhm...*yawn*" tumayo na ako at nagstretching ng kaonti.

Nauna ng maglakad si Allysa papunta sa kusina. Siguro medyo confused kayo. Second sem na ngayon at kami na ni Allysa.

Hindi ako nahirapan sa panliligaw sakanya. Sabi niya kasi sakin na matagal na rin daw syang may gusto sakin.

Pinagluto ako ni Allysa ng 'special french toast' niya. Specialty daw niya kasi ito. With matching milk pa ito. Kailangan ko kasi para sa mga practices mamaya.

May practice kasi kami ng basketball mamaya. Pinilit kasi ako'ng sumali sa basketball nung mga ka-University ko kahit matagal na ako'ng hindi naglalaro.

Halos a year yon ng umalis si Ysabel. Pero... grabe. Parang hindi naalis yung skills ko. Iba talaga ang gwapo. HAHAHA!

"Sarap." sabi ko at ngumiti sa babae'ng pinakakamahal ko na nakaupo sa harap ko.

"Hihi. Thank you." sabi niya at inilapit ang mga labi. She was demanding for a kiss. I gave her a little kiss. Tapos nagsmile ulit.

"Ligo na ko ha..."

"Mmm!" she nodded.

Dahil 20 yrs old na ako, mayroon na ako'ng sariling condo. Ibinili sakin ito nila Mama at Papa. Para daw pagtinatamad ako umuwi eh may pagtutulugan ako. Medyo malayo kasi yung school ko sa bahay.

Siguro mga 1 and a half drive. HAHAHA! tamad pa rin ata ako.

Dito nagsstay si Allysa sa condo ko. No dirty thoughts. HAHAHA. Si Allysa ay isang scholar sa school namin. Dahil hindi ganon kalaki ang kinikita ng parents niya, hinayaan ko sya magstay sa condo.

Para hindi nya na kailangan gumastos sa lounge niya. Approve naman ang parents niya eh. Tsaka... Hindi naman kami nagmamadali ni Allysa.

Hindi kami magkatabi matulog no. Basta... Hindi kami lumalampas sa limitations namin. Tsaka, ako rin ang nagsabi sakanya non.

Na ayoko muna ng ganon. Syempre, kahit babae sya baka di sya makapag pigil gayon ang gwapo gwapo ko. ^___^ Ako na makapal.

Sumakay na kami ni Allysa sa kotse ko. 10 mins drive lang ito papunta sa school. Oh diba ang lapit? Pero paglate na kasi kami nakaalis umaabot ng 30 mins.

"See you later?" sabi ko sakanya.

"Mmm. sa bahay na lang, ayos lang ba?"

"Sure sure. May practice kami eh. Don't go home alone ha?" sabi ko sakanya habang binubuhat yung bag nya.

"Opo. Opo. Sasabay nalang ako kay Krissy."

"Good girl. Bye." then I kissed her forehead.

Nagpunta na kami sa aming kanya kanyang klase.

Naglakad ako sa hallway at nakasalubong ko si Alice at Irene.

"Grabe. Pag magkaibigan talaga since birth hindi natitinag eh." asar ko sakanila. Kahit hindi naman sila since birth magkakilala.

"Che! No animals allowed." sabi ni Alice.

"Taray ha." sagot ko. Classmate ko sila sa unang klase ko.

My Sweet BlackmailerWhere stories live. Discover now