Ch. 32.1 - Boarding

705 9 6
                                    

[JELO'S POV]

Ngayon ang araw ng pagpunta namen sa beach. Um, barkada lang including the girls - Mey, Irene, Alice, Miji, Yanx, Krissy at syempre si Alyssa. Kasama rin pala si Zeke. Ang boylet ni Mey. Ayaw naman talaga namen sya isama, gawa ni Kiel. Eh wala eh. Mapilit si Mey. Nam-black mail pa ah. Hindi daw sya sasama 'pag hindi kasama si Zeke. XD Eh 'di um-oo nalang si Kiel. Para naman daw makita nya si Mey at mabantayan si Zeke. 

Nasa condo pa ko ngayon, kasama si Alyssa. 10 mins ay aalis na rin kami. Sa tambayan kasi kami magkikita kita papuntang beach. Sagot ni Andrew ang van papunta doon. Ah, hindi ko pa pala nak-kwento sa inyo. Si Andrew ay sobrang adik rin sa mga gwapong sasakyan tulad ko. Kaya binigyan sya ng papa nya ng Auto Shop tsaka Buy and Sell na car business ng parents nya. Past time daw nya, kesa puro bisyo.

"Love, wala ka na bang ilalagay dito?" - tanong ni Ally saken. Busy syang nagaayos ng bag naming dadalhin

"Ah wala na. Nandyan na lahat ng kailangan ko. Sigurado ka? Isang bag lang tayo?"

"Oo naman! Jelo, beach lang ang pupuntahan naten, okay? Maninipis lang naman dala naten. Hindi naman mga damit na makakapal. Hahaha." - biro nya

"Eh? Haha. Joke lang. Sige, tapusin mo na yan. Para 'di tayo ma-late." - umupo lang ako sa sofa

Pinagmamasdan ko si Alyssa. Typical girlfriend naman sya eh. Maganda, thoughtful, napaka-caring, at mahal ko. Pero she's not like Ysabel. Alam bawat flaws ko. 

Hay. Kamusta na kaya sya?

Nakabalik na kaya talaga sya?

Bakit naman hindi sya nagpapakita saken?

Tuluyan na ba nya kong kinalimutan?

Hindi na ba nya ko mahal?

[ALYSSA'S POV]

Busy akong nag-aayos ng bag namen ni Jelo. Syempre. Girlfriend ih. Hihi. :')

Hmm. Bakit parang kanina pa tulala yang si Jelo. Nab-bother talaga ko. Hindi naman kami nag-aaway. Pero this past few days, palagi syang puyat. Palaging ang tipid ng sagot...

"Jelo. Okay ka lang." - tinignan ko sya

"..."

Okay. Pinansin ako ng lalaking 'to.

"Jelo?"

"..." - ang lalim naman ng iniisip

Hindi na ko nakapagpigil, at lumapit sa kanya

"HOY ANO BA! KANINA PA KITA TINATAWAG AH!" - nagulat sya sa pagsigaw ko

"Ha. Ah. bakit?" - napakamot sya sa ulo

"Wala. Kasi PO kanina ka pa TULALA dyan.." - nakapamewang na ko

"Ah wala. Napaisip lang ako. 'To naman kung makasigaw oh." - tumayo sya at hinalikan ako sa noo

"Tara na. Baka nagiintay na sila."

Hmp. Ano bang meron sa lalaking 'to? Nakakainis lang eh.

Pero ayoko munang isipin. Mago-outing kami. Kailangang i-enjoy. Kailangan positive thoughts. :)

----------------------------------------

***TAMBAYAN***

[KIEL'S POV]

Syempre dahil excited ako sa outing. Dito ako natulog sa tambayan. Hahaha! Eh kasi. Baka maiwan ako eh. Kaya nag-ready lang talaga ko. HAHA! 

8am na. Bakit naman kaya wala pa sila?

My Sweet BlackmailerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon