Ch. 34 - Charm

642 11 15
                                    

A/N: SANA MAGUSTUHAN NYO, KASI BIGLAANG UD LANG 'TO. SINIPAG LANG AKO, KASI 1O PAGES YUNG UD NG CO-WRITER KO EH. HAHAHA. ENJOY!

- TTT <3

' YSABEL'S POV

Oh diba. Talagang Iris pa yung tinugtog ko dun sa piano. Hahaha. Wala lang, miss na miss ko na kasi si Jelo ng madaming madami ih. ;( Hay. Gusto ko na talaga syang makita, pero sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon. Pagkatugtog ko dun sa piano ay lumakad na ko palayo. Balak ko na kasing umuwi sa unit ko since medyo gabi na naman.

Lakad...lakad...lakad

Tinignan ko yung right wrist ko. Bakit? Hmm. Suot ko lang naman yung charm bracelet na bigay ni Alice samin ni Jelo. Then I smiled. "Miss na kita, Monkey."

Dire-diretso akong naglakad dala yung mga pinamili kong pang-pasta. Balak ko kasing lutuin ngayong gabi 'to eh, kaso wala naman akong kasalo. Hmm. Matawagan nga si Lawrence.

[Oh. Ysabel.]

"Oy. Asan ka?"

[Nasa 7 11? Bakit?]

"Wag ka ng kumain dyan. Bumili akong pang-pasta, magluto nalang ako."

[Kelan ka pa naging chef? Hahaha.]

"Ngayon lang. Haha. Sige na. Babalik ka pa bang condo ng tita mo?"

[Yup. Dun ako mag-stay eh.]

"Sige. Puntahan kita don."

[Okay. Text mo ko 'pag malapit kana, para makabalik na kong building.]

"Okay. Sige."

[Bye. Ingat, chef!]

"Gagi! Hahaha. Sige."

Kahit kelan talaga yung bestfriend kong yon. Sya na nga ipaglulutong pasta, aasarin pa ko. Haha. Gusto ko lang talaga magpaka-busy ngayon. Wala pa naman kasing masyadong ginagawa sa school, tsaka gusto kong mag-engage sa bagong activities. Bagong buhay na nga, diba. ^^

Sumakay na ako ng taxi papunta sa condo ng tita ni Lawrence. Ugh, ang hirap talaga kapag walang sasakyan eh. Dalawa kasing supot yung dala ko, yung parang lalagyan ng pandesal sa umaga na brown. Pano, BAWAL NA PO KASI ANG PLASTIC. Oh diba ang wierd, too late na para i-save si mother earth. Tss, goverment talaga oh. ><

{Malapit na ko.} - Send to: Bestfriend gwapo

Wag na kayong umangal. Gwapo naman talaga si Lawrence eh. Masyado lang syang vocal pagdating sa kagwapuhan nya. Masyadong proud, at pati yung name nya sa phone ko eh sya ang naglagay. :))

{Okay. Dito na naman ako sa unit, chef. See you!} - From: Bestfriend gwapo

Buti naman nasa unit na sya. Gusto ko sanang magpasundo sa baba ng building, kaso tumigil na yung taxi sa harap nung building. Kaya, okay lang. May elevator naman eh.

' ALYSSA'S POV

After naming kumain ni Jelo ay lumabas muna ko ng unit nya. Kasi naman, naiinis na naman sya saken. Lagi nalang, a'ah. PURO NALANG KASI SYA YSABEL. AKO ANG GIRLFRIEND EH. ><

Naglakad lakad lang ako dun sa floor namen. Sa isang dulo kasi non, may terrace na overlooking ang Manila. Maganda 'pag gabi kasi ang daming ilaw. Andon lang ako ng ilang minuto...

Makikita din kita, Ysabel. Akala mo? Hinding hindi ako magpapatalo sayo. Hindi ko hahayaang maagaw mo ulit si Jelo saken. Huh! At ganon palang kabaliw sayo si Jelo noon ah. Pwes, hindi na ulit mauulit yon, kasi hindi ko kayo hahayaang magkita ni Jelo. Akin lang sya. Akin.

My Sweet BlackmailerWhere stories live. Discover now