Ch. 18.2: Cupid is Blind

742 5 0
                                    

-------------------------------------------------------------

Chapter 18.2: Cupid is Blind!

~YSABELLE'S POV

Gabi na. Lumipas na naman ang isang araw na walang nangyayari na katinuan. Grabe, nakakpagod pala ang buhay tamad. Hahaha!

Si Jelo naliligo ako kakatapos ko lang kaya naman nagbabasa lang ako ng libro sa tapat ng TV ---nakataas ang dalawang paa sa couch.

"Mabango na ako. Tara sa kwarto. Pwede na." Tss. BOYS! Tumingin ako sa kanya. WOW! Wetlook ha! Kala mo ang gwapo mo? Hahaha! Well, tama ka.

Tinulak ko yung mukha niya palayo sa mukha ko. Hindi ko inaalis yung tingin ko sa binabasa ko.

"Tara na, Cheeky. Bili na. Wag mo na ako paghintayin." Pinagsasabi nito? Umiling ako.

"Matulog ka na lang pwede?" with my matching taas kilay pa.

"HA? Wag na natin palipasin to'ng gabi. Tara na bili." hinawakan niya ako sa bewang. Kulit nito ah. 

"Hoy! Ano ba! Nakikiliti ako. Itulog mo na lang yan."

"Hindi pwede. Need ko na."

"Edi don ka sa banyo."

"Ayoko. Ysabelle, tara na bilis."

"Wag ka makulit. ISA!"

"Dalawa, tatlo. Tara na!" pinilit niya ako tumayo.

"Matulog ka na. Lilipas din yan." umupo ako ulit at nagbasa. Hahaha! Ang cute niya naman. Hindi mo ako mapipilit gawin ang bagay na to. Kahit sobrang tempting pa ng katawan mo.

Kahit maghubad ka ba dyan. Joke. Pagnaghubad siya diyan kailangan niyo na ako pigilan kasi marrape ko si Angelo Yuson.

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa libro. "Tss. Sige na nga. Ano yan?" umupo siya sa tabi ko. 

"book."

"Kwento mo."

"Basahin mo na lang pagtapos ko. Papahiram ko sayo."

Lumapit pa siya sakin. Tss. Chansing na yan ha. Hahaha! Ayos lang. Sige na nga. ^^,

"Tulog na..." siniko ko siya.

Natulog na siya. Patapos na ako sa binabasa ko'ng libro ng tumawag si Alice sakin.

"Hello..."

[Ysabelle...] pabulong na magsalita si Alice. Problema niya?

"Bakit?"

[Hoy babae, tumakas lang ako. Hinahanap ka na nila Ninong at Ninang. Galit na galit si Ninong. Tama ka nakakatakot nga sila..]

"W...Wait? Andyan sila?" OHMYGOD! I'm dead meat! >.<

[Oo. Umuwi sila as soon as possible. Umuwi ka na. Please! Ysabelle...]

"Alice, hindi talaga pwede eh. Sorry..." Hindi ko naman pwede na lang iwan ng ganon ganon na lang si Jelo. Lalo na't nagpromise ako na hindi ko siya iiwan.

[Ysabelle, alam mo naman na boto ako sa relationship niyo ni Jelo pero this time you're both taking this too far. Hindi na tama ginagawa mo.]

"Mahal ko si Jelo kaya sana maintindihan mo... nyo..."

[Maiintindihan naman namin yon pero mas mahal mo pa ba si Jelo kesa sa parents mo na kahit kailan ay hindi ka niloko?] Naluluha naman ako sa sinasabi ni Alice. Nakokonsensya ako.

"Ali--"

[at mas importante pa ba si Jelo kesa sa amin na pamilya mo? Ano ba ginawa sayo ni Jelo at ganyan ka? Ysabelle... Please...] narining kong naiyak siya.

My Sweet BlackmailerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon