Entry #33

219K 5K 142
                                    

Dear Future Boyfriend,

Today, nahulog ako sa kabayo. Pero hwag kang mag-alala hindi naman ako nalaglag habang tumatakbo si Spike (pangalan ng brown na kabayo ni Lola). Nalaglag ako habang bumababa. Masyado kasi akong na-excite dahil may inuwing tuta si Kuya Dylan. Dahil nagmadali akong bumaba nagkamali ako ng galaw at nalaglag. Na-sprain ang paa ko. Ngayon sobrang boring tuloy. Wala ang mga pinsan ko, nakakulong pa ako sa kwarto. Ang kasama ko lang ay si Toothless (tuta na inuwi ni kuya). Toothless ang pangalan nya kasi kamukha nya si Toothless sa How To Train Your Dragon. Kulay itim sya, at mata nya lang ang nakikita ko lalo na kapag nakahiga sya sa itim na tela (kita ko rin pala ang puting ngipin at pink nyang dila). Sya lang ang kalaro ko kaso iniwan nya rin ako kasi may nakita syang bola sa labas.

Haay. Ano kaya ang ginagawa mo ngayon? Siguro kasama mo ang mga kaibigan mo ngayon at nagpapakasaya. May girlfriend ka kaya ngayon? Hmm. Selos ako. :/

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon