Entry #42

198K 4.6K 203
                                    

Dear Future Boyfriend,

Epic fail ang plano ko na matulog dahil ang ingay ni Toothless. Ayaw nyang tumigil sa pag-scratch sa pintuan at umiiyak sya. Gusto nyang pumasok sa kwarto ko. Kapag naman ginawa ko yon, lalaruin nya ulit ang paa ko. Ano ba ang gusto nya? Bakit nya dinidilaan ang paa ko? Amoy ulam ba ako?

Napa-praning na ako sa bahay ni Lola. Mag-isa lang kasi ako ngayon dito. Lahat sila nandon pa sa party. Siguro mamayang hapon pa sila uuwi. Si Lola baka gabi na yon makaalis don, naglalaro pa kasi sila ng mahjong.

Nag-iisa ako sa bahay at pinapakiramdaman ko ang ingay sa paligid. Naiisip ko kung ano ang gagawin ko kung may pumasok na magnanakaw bigla. Tatalon siguro ako sa bintana kapag pumasok sya sa kwarto ko. O kaya naman kakagatin ko ang leeg nya, sa may jugular vein (Ew!). Palagi kong pina-practice sa isip ko kung ano ang gagawin ko kung sakaling may kumidnap sa akin. At kung wala akong weapon, gagamitin ko nalang ang ngipin ko. Pero syempre hanggang imagination lang yon, napanood ko kasi sa The Vampire Diaries. Crush ko nga pala si Klaus. >.<

Weird na ba ang entries ko? Ano kaya ang maiisip mo kapag nabasa mo na ito? Ang weird ng girlfriend mo no? :D

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon