Entry #26

239K 5.6K 241
                                    

Dear Future Boyfriend,

Alam mo babe... WAAH! Dahil naumpisahan ko na ang pagtawag sayo ng babe sa last entry ko, yun nalang ang itatawag ko sa’yo dito. Feeling ko may boyfriend talaga ako. Babe! Hi Babe! Kumusta ka na babe? Naiisip  mo ba ako ngayon babe? Gusto mo ba yung tawag ko sa’yo? >.<

Pero syempre hindi mo pa ako maiisip ngayon kasi di pa tayo nagkakakilala. Diba? Pero pano kung nagkakilala na pala tayo pero di mo pa ako type ngayon kaya di ka pa gumagawa ng ‘moves’. Ako kasi yung tipo na gumagawa ng ganon eh. Pero alam mo na yon kasi naisulat ko na yon sa last entry ko na ginawa ko kay ehem-ryan-ehem. Hwag kang mag-selos naka-move on na talaga ako sa kanya. Promise!

LSS ako ngayon sa for the first time in foreveeeer~ Nagluluto kasi ako kanina ng tapa. Karne yon! Haha! Pinilit ko talaga na mag-aral ngayong araw ng pagluluto ng ulam na karne. Naisip ko kasi, parang masyado yata akong naging demanding sayo sa mga last entries ko. Ayoko naman maging unfair sa side mo. Naisip ko lang, gusto ko rin pala na ipagluto ka ng favorite dish mo. Ano ba ang paborito mong pagkain? :)

For the first time in forever I can cook my oooown meaaaat~

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon