Entry #53

182K 5.5K 1.1K
                                    

Dear Future Boyfriend,

Nag-sasawa ka na ba dahil puro si Ashton ang topic ko? Siguro ngayon pa lang nag-seselos ka na. Wala kasi akong mapaglabasan ng mga iniisip ko eh. Sorry.

Akala ko kanina nang makipaglaro ako kay Toothless mawawala ang iniisip ko pero... Dumating si Tita Sylvia dala ang one year old nyang baby. Ibinigay nya muna sa akin si Baby Nico para makatulong sya kina Lola magluto ng pagkain namin. Ah, nakalimutan kong sabihin, isa itong fact; magaling akong magpatulog ng mga babies. Attracted sa akin ang mga babies, palagi nila akong nginingitian. Sa tuwing umiiyak sila, makita lang ako mapapatigil sila at titignan ako nang matagal tapos bigla silang tatawa. Kaya ito ang role ko sa angkan namin, babysitter.

Bumalik tayo sa sinasabi ko kanina, habang pinapatulog ko si Baby Nico nag-hum ako ng isang kanta. Ang tagal kong ginawa yon at paulit-ulit. Nang bumalik si Tita Sylvia, tinanong nya ako kung ano ba yung kinanta ko, maganda raw kasi pakinggan. Natulala ako at nabuhol ang dila ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, wala pa kasing title ang kanta na yon.

Hindi ko napansin na yun pala ang tinugtog ni Ashton para sa akin. Pumasok na naman sa isip ko kung paano sya ngumiti sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit parang palagi syang naiilang sa akin. Nafu-frustrate ako!

Paulit-ulit na nag-play sa utak ko kung paano sya tumugtog ng gitara. Naalala ko rin yung feeling na  nakatulog kaming dalawa sa sofa. Sana pwede ko’ng balikan ang gabing ‘yon. Sana hindi ko ginawa dahil lang sa curiosity. Sana hindi ko sya tinext. Sana hindi ko nalaman. Eh di sana ngayon... hindi ko mare-realize na gusto ko rin pala sya. Gusto ko pala sya. Gusto ko rin na maging sya si Mr Creeper. Naiiyak ako kasi gusto ko pala sya. Pero masyado pang maaga. Siguro ililihim ko nalang muna sa kanya na alam ko na.

Nag-seselos ka ba? Sorry.

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon