Kayleen

184K 4.6K 926
                                    

Kayleen

Halos lumabas mula sa ribcage ko ang puso ko nang makita kong umilaw ang cellphone ko. Nabasa ko ang pangalan ng bestfriend kong si Ashleen. Nanginginig pa ang mga kamay ko nang hawakan ko ang cellphone at basahin ang message nya.

From: Ashleen BFF <3

Sissy! Nandito na kami sa bahay!

Punta ka na rito please! Miss na kita! :)

Kaagad akong napalundag sa kama ko! YES! YES! YES! Nasa bahay na nila sila. Kaunting lakad lang ‘yon mula rito sa bahay namin. Hwaaah! Ang saya! Nandito na ang love of my life ko! Makikita ko na ulit sya. Naiiyak ako. Ano ba yan? Bakit ang emotional ko ngayon?

“Kayleen nag-drugs ka ba?”

“Ay butiki!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Kuya Dylan na nasa may pintuan ng kwarto ko at may kinakain na pie. Yung pie ko! “KUYAAAAAAAAAA!!!”

Inosente nya akong tinignan habang ngumunguya. “Bakit? Ang sarap nito. Gawa ka pa ng marami.” Muli syang kumagat sa pie.

Nawala ang inis ko. Ngumiti ako. “Wala. Talaga bang masarap?”

Nag-thumbs up sya. “The best.”

Lumawak ang ngiti ko. Tumakbo ako palabas sa kwarto ko at pumunta sa kusina para bitbitin ang box ng pie at pati narin ang basket ng strawberries na pinapabigay ni Lola.

“Kayleen, aalis ka na ba? Dumating na sina Ashleen?” tanong ni Mommy habang nag-huhugas sya ng pinggan.

“Opo. Pupunta na po ako ngayon sa kanila.”

“Hwag kang magpapagabi. Dumiretso ka ng uwi.”

“Eh Mommy baka gabihin ako kasi, ano’ng oras na o.” Nakanguso akong tumingin sa orasan. Alas synco na ng hapon. Bago pa ako maka-balik sa bahay sigurado gabi na.

“O sya, sige. Pero hanggang alas-otso ka lang ha. Mag-text ka para naman maabangan ka ni Dylan sa daan.”

“Opo Ma.” Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.

“Paki-kumusta ako sa kanila pagkarating mo ron.” Rinig kong bilin ni Mama nang makalabas ako sa kusina.

Bago tuluyang lumabas ng bahay, tinignan ko muna kung maayos pa ang buhok ko. Ginawa ko yung french braid na tinuro sakin ni Ashleen. Nagawa ko naman sya pero mas maganda parin yung gawa nya. Naglagay din ako ng konting face powder at lipgloss. Nakasuot din ako ng jean shorts at puting long sleeves. Halata kaya na nagpapaganda ako?

“Kayleen akala ko ba aalis ka na?” tanong ni Mommy. Tapos na pala syang mag-hugas ng pinggan.

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon