Kayleen

199K 5.6K 1.4K
                                    

Kayleen

“Ashleen!” bati ko sa bestfriend ko nang buksan nya ang pinto.

Naririnig ko na ang tugtog ng banda ni Ashton mula sa basement ng bahay.

“Okay na ba ang tyan mo Kayleen?” Niyakap nya ako at hinila sa kamay papasok sa bahay nila. “Bitin ang bonding natin kahapon.”

Naalala ko ang sinabi kong rason kay Ashleen kahapon. Muntik ko nang makalimutan!

“Ay, oo nga.” Nginitian ko sya. Ipinakita ko sa kanya ang dala kong tupperware na may laman na tarts. “Para sa inyo nga pala. Ginawa ko kagabi.”

“Wow! Kayleen ang dami naman nyan.”

“Hehe! Di kasi ako nakatulog masyado kagabi eh.” Nahihiyang pag-amin ko. Kasi yung kapatid mo Ashleen, pinakilig ako masyado kahapon.

Pumunta kami sa kusina at inilipat ng lalagyan ang mga tarts. Inilagay namin iyon sa isang malaking serving tray.

“Kanina pa ba sila nagpa-practice?” tanong ko sa kanya habang nag-lilipat ng tarts. Nagva-vibrate sa sahig ang tunog ng drums at electric guitars.

“Sina Ashton? Oo kanina pa silang tanghali nakakulong sa basement. Kailangan kasi nilang makapasa sa exam ng Music School na papasukan nila.”

“By group ba yung exam?”

“Pwedeng tumugtog by group para magkakasama sila sa classes. Pero kailangan parin tumugtog ng solo para makapasa.”

“Sana makapasa sila.”

“I’m sure Sissy na makakapasa sila. Inalok na nga sila na mag-aral doon ng isang school board member. Ang kailangan nalang nilang gawin ay mapahanga ang iba pang members ng board at pasok na sila.”

“Wow. Ang galing naman nila.”

Bigla nalang napuno ng pride ang dibdib ko. Ang galing nina Ashton! Sigurado malayo ang mararating nila. Nakaramdam ako ng takot kasi baka mawala sya sa akin. Hah! Hindi pa nga kami pero inaangkin ko na sya. Kahit na ano pa man ang mangyari, kailangan ko syang suportahan.

“Tara muna sa kwarto.”

Napatigil ako sa pag-lalagay ng tart. “H-Hindi ba tayo manonood sa kanila?”

“Gusto mong manood?”

“Eh. Oo, gusto ko sana silang mapanood.”

“Hindi ko alam kung pwede tayong manood dun ngayon Sissy eh. Binilinan kasi ako kanina na hwag basta papasok don. Kailangan kasi nilang mag-concentrate sa pag-tugtog.”

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon