Entry #71

153K 4.2K 294
                                    

Dear Future Boyfriend,

Nakita ko kayo ni Trisha kahapon sa mall habang kasama ko si Kuya Dylan. Bakit kayo magkasama? Bakit kayo nasa mall? Diba may practice kayo ng banda? Yon ang sabi ni Ashleen sa akin. Pero bakit ka nasa mall? Bakit mo kasama si Trisha sa mall? Bakit sya nakahawak sa braso mo?

Sigurado ako na nakita ako ni Trisha, lumingon pa sya sakin non. Bumulong pa sya sayo pagkatapos pero umalis lang kayo non. At siguro nga alam mo rin na nandon ako pero di ka lumingon. Bakit?

Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Trisha? Narealize mo na ba na sya ang gusto mo? Nakakahiya. Niyaya pa naman kita na maging escort ko nung isang araw tapos...

Pero ano nga ba tayo? May karapatan ba ako na magselos? Hindi naman kasi tayo. Ni hindi mo nga magawang umamin sakin diba? Ayokong mag-isip ng mga ganitong bagay. Ayoko nalang muna pumunta sa inyo. :(

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon