Chapter 23:

165 12 2
                                    


"NANDYAN po ba si Kyle Fontanilla? Este si Daniel Guevarra po?"

"Pasensya ka na ija, pero higit isang taon na syang wala dito. Balita k-"

"Nasa America sya, he's staying their for good."

Napalingon sya sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran.

"Tyron?"

"Yup. It's me."

Napatakbo si Bella tsaka nya ito niyakap ng mahigpit."I miss you so much my Panty..." rinig nyang wika ni Tyron.

"Sira ka pa rin talaga hanggang ngayon..."

"Ooops, mas gumwapo naman syempre. Ikaw din naman ah you're even more beautiful than before..." ani Tyron tsaka inakbayan si Bella.

"Teka nga, so totoo ngang naroon ka sa masquerade Ball noon?" usisa nya rito.

"Yeah, besides nagkita pa nga tayo sa Shinhyung Garden e."

Kumunot ang noo ni Bella."So you mean ikaw din pala yun... Letse nakakalito kayong magkapatid."

"Nga pala, may pamilya na ba si Dan?"

All of a sudden ay naitanong iyon ni Bella. Biglang nag-iba ang reaksyon ng mukha ni Tyron. Tila nalungkot iyon sa tinanong ni Bella.

"Bella actually... He was married for 5 months now." sagot nito na hindi tinitignan si Bella. Bigla syang nanamlay, biglang nawala ang lahat ng kasiyahan na nadarama nya. Para syang sinaksak ng paulit-ulit sa kanyang narinig.

"You're k-kidding me r-right?" utal nyang tanong dito habang pilit nya itong nginitian.

Umiling-iling lamang si Tyron. "I'm so sorry."

"K-kanino?" muli nyang tanong habang nagpipigil ng mga luha.

"With-"

"With her."

Kapwa sila napatingin sa direksyon ng pintuan kung saan naroon si Daniel nakaakbay kay Jandy.

"J-Jandy?Dan??"

"Yes, were married. Bakit ka nga pala naparito?" ani Daniel.

"Ha? A-ko? Wala napadaan lang ako dahil nakita ko si Tyron. Congrats nga pala sa inyo ha." peke syang ngumiti at tila maluluha na sya ilang segundo na lamang.

"Ganun ba? How about you?"

"I'm...fine, yes I'm fine"

"Nga pala, invited ka sa binyag ng baby namin ha." dagdag pa ni Daniel tsaka ngumiti..

Kumikirot ang dibdib ni Bella, hindi nya maipaliwanag kung bakit dahil alam naman nyang wala syang karapatan upang magselos o magalit dito. Parang kailan lang nang mangako silang dalawa na panghabangbuhay ang kanilang pagmamahalan and now Daniel was married.

"Sure. I have to go."

Saktong pagtalikod nya ay tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Bigla syang napahikbi kaya naman wala na syang nagawa kundi ang tumakbo.

Akmang tatakbo na sya nang may humawak sa kamay nya.

"Halika nga dito. Hindi ka pa rin talaga nagbabago."

Pinaharap sya ni Daniel sa kanya at niyakap.

"Let me go! Ayokong mapag-isipan ng masama..." maktol nya tsaka pinaghahampas ang dibdib ni Daniel.

"Bakit ka umiiyak hah? Hindi ka ba masaya para sa'kin?" sambit nito tsaka hinigpitan pa ang pagkakayakap kay Bella.

"Let me go! Wala akong pake sa'yo." pag-angal nyang muli.

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Where stories live. Discover now