Chapter Three:

199 25 2
                                    


The Hardest part of loving someone is knowing when to let go, and knowing when to say goodbye.
                                                    – Anonymous



"Stop before you start falling in love with nothing"

"So ano, payag ka?" Hindi nya ito tinignan ng diretso dahil nakaramdam sya ng pagkainis. Saglit nyang ibinaling ang kanyang paningin sa kuya nyang nakapameywang at naghihintay sa kanyang sagot.

Shit sige na nga! Pero ngayon lang! Pasalamat sya napakagwapo nya tss.

"Oo na.. pasalamat ka gwapo ka"

"Ano sabi mo??" Taka nitong tanong, marahil ay hindi nya naintindihan ang huling linyang sinabi ni Bella dahil mahina lamang ang pagkakasabi nya rito. "Wala po,akyat na po ako magbibihis pa po ako... bingi" padabog syang umakyat sa kanilang hagdanan.

INIABOT ni Clide ang isang baso ng juice tsaka umupo sa tabi ng binata.
"Ikaw Dan hah! Akala ko pa man din totoong may relasyon kayo ng prinsesa ko" saad ni Clide tsaka uminom ng juice.
"As if kuya Clide e sa sungit ba naman nun! Naks baka bago pa man nya ako sagutin ...patay na ako" Sinamaan sya nito ng tingin matapos magsalita.

"Biro lang " pahabol nito.

"E ba't mo sya inaaya sa isang date? Naku ikaw Daniel, itigil mo na yan! Mamaya mahulog yan tapos di mo rin naman pala kayang saluhin"

Kumunot ang noo ni Daniel.
Bakit parang ang layo na ng usapan namin?  Pagtataka nito sa kanyang isipin.

Bakit ko nga basya inaaya mag date? Anong iniisip ko?

"Hindi ko rin alam kuya Clide, basta ang alam ko she makes me feel crazy" ani Daniel. Binatukan sya ni Clide pagkasabi nya nun, masyado daw kasing corny.


"Isang anghel" halos lumambot ang buong katawan ng lalaki ng makita ang isang mala-anghel na dalagang pababa
sa hagdanan. Nakasuot ito ng puting blouse at reap jeans na pantalon, napahawak ang binata sa sandalan ng sofa.

UMIRAP muli si Bella sa direksyon ng binatang nakatingin sa kanya habang nakangiti. Alam kong maganda ako pero please lang wag mo akong tignan ng ganyan, baka matunaw ako .
Hindi maiwasan ang pamumula ng buong mukha ni Bella,hindi kasi sya sanay sa malagkit na tingin ng lalaki.

"You look beautiful" bahagya sya ng napaubo sa sinaad nito.

"Alam ko... tch wag mo na nga akong bolahin tara na mamaya mag iba pa takbo ng isip ko" nilagpasan nya ito at nagdire-diretsong lumakad.

"Wait up... seriously Im not kidding you're beautiful" sambit niya tsaka tinapatan si Bella sa paglalakad. "Oo na, gwapo ka rin nama-" napahinto si Bella sa paglalakad tsaka tinakpan ang kanyang bibig.
Bakit napakadaldal mo asar nitong saad sa kanyang isip tsaka mahinang pinagsasampal ang kanyang bibig.

"Hmm... sabi ko na nga ba eh. Well, hindi lang naman ikaw nagsabi nyan sa akin. Ikaw hah? Siguro matagal mo na akong crush?" Pang-aasar nito kaya naman mas lalo pang binilisan ni Bella ang kanyang paglalakad hanggang sa matungo nya ang kinaroroonan ng kotse ng lalaki.

"Hey, wag ka nga! Alam kong nahihiya ka lang sabihin pero deep inside crush mo talaga ako"

"Enough! Kung ganyan ka rin pala then I have changed my mind, hindi na ako sasama sayo. Isa pa hindi naman talaga tayo magkakilala eh,kung gusto mo humanap ka ng ibang mapapagtripan kesa buhay ko ang guguluhin mo"  sigaw ni Bella tsaka tumalikod.

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Where stories live. Discover now