Chapter 16:

84 14 0
                                    



"Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him."

                                                                                        – Anonymous



 "MANONG, malayo pa ho ba?"inip na tanong ni Bella sa Taxi driver.

 Actually isang oras na silang bumabyahe papunta sa Cabanza woods na iyon. 

 "Malapit na ija, pero sigurado ka bang doon ang punta mo?"usisa ng driver na nakatangin sa front mirror upang tignan sya. Kumunot ang noo ni Bella, wari kasi'y tila natatakot ang driver.

 "Opo."tipid nyang sagot tsaka tumingin sa labas ng car window.

 Is there something wrong in that woods?

"Marami kasing nagsasabing misteryoso ang lugar na iyon. Sabi-sabing marami na daw ang nagtungo doon pero hindi na nakabalik. Well, rumors lang naman ang mga iyon." seryoso nitong wika habang diretsong nakatingin sa daan.

 Suminghap si Bella. "I nee to go there manong. There's something I must found out."

 "Were here. Gusto mo bang ihatid kita sa taas?" 

 "taas?"

 "Doon. Naroon ang puno ng Garienas, ang pinakamalaking puno dito." sambit nito habang itinuturo ang itaas na bahagi ng bundok. Napalingon-lingon si Bella at napagtanto nyang meron palang pwedeng daanan ang mga sasakyan paakyat.

 Puno ng Garienas? Pinakamalaking puno?

"Meet me at the tree where I painted you" 

 Muling nagrewind sa kanyang utak ang mga katagang iyon. Naguguluhan na sya,as in totally confused. 

 "Iha, nandito na tayo. Gusto mo bang hintayin na kita dito?"

 Hindi sya sumagot dahil napatulala sya sa puno ng Garienas. Pamilyar ang punong iyon, pati na rin ang lugar kung nasaan sya. Tila nag-flash sa kanyang mga mata ang isang scenario kung saan nakasandal sya sa isang puno at naroon si Daniel-ipinipinta sya.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "This could not be happening! Imposible. Manong doon ka na lang muna po sa ibaba pumarada. I'll get your number and I'll call you kung susunduin nyo na po ako." 

 Nasabi nya iyon marahil ay gusto nyang mapag-isa. Isa pa ay natitiyak nyang iiyak  na naman sya at ayaw nyang makita iyon ng driver.

 Matapos makuha ang number kaagad syang bumaba ng sasakyan. Ang lugar na ito, ito ang lugar sa kanyang panaginip. Ngunit ang pinagtataka nya'y bakit ganoon pa rin ang itsura ng paligid, mukhang napakalinis nito at tila ba may nagmamaintain dito. 3:50 PM na, kaya umupo muna sya sa harap ng punong Garienas tsaka nya isinandal ang kanyang likuran sa malapad na troso nito. Doon nya napansing bangin na pala ang kabilang dulo doon at kitang-kita nya ang kabuoan ng Cabanza Forest. 

"Akala ko ba 3 pm, e ba't wala pa sya?"anas nya sa kanyang sarili. 


 The real question is- nageexist nga ba talaga sya? 


 Unti-unti nyang ipinikit ang kanyang mga mata. Marahil sa sobrang peaceful ng kapaligiran ay inaantok sya. 

 Sa paglipas ng oras hindi nya namalayang unti-unti syang nakatulog.

 Tanging ang malamig na hampas ng hangin sa kanyang mukha ang gumising sa kanya.

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Where stories live. Discover now