Chapter 15:

81 13 0
                                    


HINDI mapakali si Kyle, kanina nya pa nililingon ang mga estudyanteng nagsisipasukan sa hall. Although lahat ay nakasuot ng maskara, wala pa ring Bella na nahahagip ng kanyang paningin. Isa pa lahat ng pumapasok doon ay kailangang munang sabihin ang kanilang mga pangalan upang matiyak ang kaligtasan ng gaganaping event. 


 Nahagip ng kanyang mga mata sina Jandy at Lizzy, naalala nya ang mga ito dahil sa cafeteria scene noon at sila ang mga kasama ni Bella. Hindi pa nakasuot ang mga maskara nito.

 "Hey you're Bella's friends right?" bungad nya sa mga ito.

 "ah oo k-kami nga, b-bakit?" utal na tugon ni Lizzz na kala mo'y nakasalubong ng isang sikat na hollywood star.


 "Have you seen her? Or should I say Is she coming tonight?" diretsuhan nyang tanong sa mga ito. 


 "Ahm... She is... Jandy ikaw na nga sumagot dito,nanonosebleee na 'ko o."

Mahina lamang ang pagkasabi nya sa mga huling kataga, wari'y natataranta ito habang hinihila paharap si Jandy. Simpleng gumuhit ang ngiti sa labi ni Kyle.

 Kaya pala ganun si Bella ,kasi ganun din ang mga kaibigan nya

 "S-sorry hah, hindi kami fluent sa english e, pero wala din kaming idea.. Sige mauna na kami."

 Hindi na sya sumagot ,tumango-tango na lamang sya. Please come Bella! Humanda ka sa'kin 'pag hindi ka pumunta! Don't show up and you're dead


 Masyadong pormal at magara ang suot ni Kyle ngayon, nakasuot ito ng tuxedo na nagkakahalaga lang naman ng limang milyon, nagpasadya pa kasi ito sa France, ang Fashion capital of the world.

 "Bella, where are you malapit ng magsimula o." anas nya tsaka nag-angat ng braso upang tignan ang oras sa suot nyang wristwatch.

 Marami ng nagsisipasukan and they all wear with thew their most formal and elegant gowns and costumes.

Actually, ang plano sana ni Kyle para sa concept ng Masquerade ay Vampire's night, kaso marami ang tumutol doon at mas tinangkilik nila ang temang Fairy Tales night. Kaya heto hindi sya masyadong ganado kasi all she could see was princesses and prince, ang mga bagay na pinakaayaw nya.

 Naka brush-up ngayon ang kanyang buhok na talaga namang bumabagay sa kanya. Sa sobrang gwapo niya'y kahit nakamaskara lahat ng estudyante roon napapatingin sa kanya. Actually isang bagay pa pala ang gumugulo sa kanyang isipan. It was weird na inibahan nya ang concept ngayon dahil sa rules na ginawa nya-each partners must dance for thirty minutes and they must finish seven dances before they proceed to exchanging partners. Ginawa nya itong parang PROM night, which is actually weird, nagsimula itong kakaibang nararamdaman nya nang makilala nya si Bella. 

Yet she was a silly and stupid girl, there's something in her that  makes him happy. 

 It's time for the first dance pero wala pa rin si Bella. I guess she's not coming.

 Bumuntong-hininga sya tsaka malungkot na yumuko. That silly girl ! She did not come... Nakakaasar!

 "Ohmygash, was that Bella?!" 

 Napaangat sya ng tingin nang biglang umingay sa loob ng hall at tila ang lahat ay manghang-mangha sa taong dumating. After hearing Bella's name bumilis ang tibok ng kanyang puso at kaagad na hinagilap ng kanyang mga mata ang kinaroroonan nito. Napaawang ang kanyang labi at nalaglag ang kanyang panga, Bella was slowly and smoothly walking on the red carpet- she was wearing a very dazzling and beautiful gown,kulay violet ito at sa bandang ibaba ay kulay pink.

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon